^

Pang Movies

Mga sikat na nagpapakamatay? dahil sa depresyon?, parami nang parami!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga sikat na nagpapakamatay? dahil sa depresyon?, parami nang parami!
Anthony Bourdain

Ang laman ng mga balita internationally ay ang pagkamatay ng chef at television host na si Anthony Bourdain. Isa siya sa pinaka sikat na television personality at ang shows niya bukod sa CNN ay sumasahimpapawid sa iba pang cable networks, pero sinasabing maaaring nagkaroon pa siya ng depression. Natagpuan na lang siyang patay, at ang sinabi nag-suicide siya.

Walang nagsasabi kung papaano siya nag-suicide, at kung may suicide note ba siya para iyon ang sabihin nilang dahilan ng kanyang kamatayan.

Ilang araw lamang ang nakalilipas, natagpuan ding patay ang isa pang international personality, ang fashion designer at icon na si Kate Spade. Suicide rin ang dahilan. Sinasabing gumamit siya ng isang scarf itinali sa kanyang leeg at sa door knob.

Nakakabahala dahil dalawang international personalities iyan na biglang nagpakamatay.

Hindi mo masasabing international lamang iyan. Dito sa atin, hindi pa natatagalan namatay din dahil sa suicide ang kapatid ni Nadine Lustre, si Isiah. Nauna riyan, natagpuan na lang din nilang nagbigti ang isang mahusay na aktres, si Julia Buencamino, na anak ng actor na si Nonie Buencamino at ng aktres na si Sharmaine Buencamino.

May isa pang kinikilalang showbiz personality na nakalikha ng magagandang istorya para sa mga hits na pelikula at serye sa telebisyon na nakita na lang nagbigti ng kanyang sarili, at ang suspetsa nila ay depression dahil sa kanyang karamdaman.

Sinasabi ng mga analysts, mas maraming nakukuhang depression ang mga sikat na tao, kasi sa kabila ng kanilang kasikatan at kasaganaan sa buhay, nagkakaroon pa rin sila ng frustrations. Sana naman matigil na iyan. Magtiwala tayo sa Diyos, lahat naman may pag-asa, lahat ng problema may katapusan.

Bantayan natin iyong mga palatandaan ng depression. Iyong mga taong hindi kuntento sa kanilang buhay. Iyong lahat ng tao munting kibot ay inaaway. Iyong mga nagse-self pity na ang palagay ay lagi silang inaapi. Iyan daw mga iyan ang madalas na mag-suicide.

?Kris lalong nangulelat? James at Michela, pakakasal na!

Believe rin naman kami kay James Yap, at si­guro nga kaya ganoon ay dahil masaya naman siya sa kanyang buhay. Dalawa na ang anak nila ni Michela Cazzola. Ok naman ang panganay nilang si MJ at anytime now ay inaasahan na ang kanilang baby girl. Binabalak na nga raw nila na pagkatapos ng kanilang second baby ay magpapakasal na silang dalawa. Pareho silang Katoliko, kaya ang balak ay magpakasal sila sa simbahan talaga, hindi sa tabi-tabi lang.

Sinasabi nga nila, siguro ang maganda niyang buhay, ang maganda niyang career at ang pagsasama nila ni Michela ang dahilan kung bakit hindi na rin pinapatulan ni James ang kung minsan ay paulit-ulit na pambabastos sa kanya. Ganoon naman dapat ang attitude eh. Huwag mong pansinin.

Desperadang celebrity na bagsak na ang career, ?hindi malayong ?magpakamatay

Binabantayan daw nila ngayon ang isang celebrity, dahil baka kung wala pa rin daw mangyari sa pagiging desperada niya sa bagsak na niyang career eh baka maisipan ding mag-suicide. Nagawa na nga naman niyang lahat. Naaway na niya ang lahat ng tao, kung hindi pa siya mapapansin, baka nga kung ano na ang maisipan niyan.

Sana huwag naman.

 

vuukle comment

ANTHONY BOURDAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with