Heart nahiyang magpabili ng pinaglilihihan!

Heart Evangelista

Isa sa pinaglilihian ni Heart Evangelista ang steak burger kaya naman ganu’n na lang ang tuwa niya nang padalhan siya ng Jollibee ng napakaraming steak burger.

Ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram Story ang video ng mga steak burger kasabay ang pasasalamat.

Mapi-feel mo sa boses ni Heart ang sobrang excitement at parang batang tuwang-tuwa nang makita ang steak burger.

Nag-post din siya ng picture ni Sen. Chiz Escudero na dinalhan din siya ng steak burger kahit busy ito sa work kaya sobrang thankful niya sa mister.

Tila pinaglilihian din ni Heart ang dessert na Panna Cotta dahil ipinost niya ang picture nito at sa caption ay inilagay niya, “I can only google you cause I’m too shy to ask my husband to buy me at this time.”

Nag-post din siya ng isang nire-renovate na room at kutob namin  ay nursery room na magiging kwarto ng kanyang magiging first baby at aniya ay sobrang excited na raw siya.

Nasa first trimester pa lang ng pagbubuntis si Heart kaya wala pang baby bump na nakikita sa kanya ngayon. Pero looking forward na rin ang aktres na magsuot ng maternity dress.

Sa pagka-elegante Heart, nai-imagine na namin kung gaano ka-sosyal ang kanyang maternity dresses.

Jolina nasulit ang sakit ng tahi

Nagsilang na si Jolina Magdangal ng healthy baby girl kahapon ng umaga. Ito ang second baby nila ng asawang si Mark Escueta na pinangalanan nilang Vika Anaya or Vika for short.

Nag-post si Jolens kahapon ng hapon ng larawan ng baby kung saan ay makikita ang kamay nito na may butterfly bracelet indicating na it’s indeed a baby girl.

Sa caption, ibinahagi ni Jolens ang kasiyahan but at the same time, aniya, ay napakasakit daw ng kanyang tahi.

“Andito na sya!!!!!!!!!!!!!!!!! Maraming salamat sa lahat ng dasal. Ang sakit ng tahi pero pipilitin ko kayanin. Sobrang worth it ang lahat ng sakit dahil sa nakita kong reaction ni Pele kay Vika. Will post pictures very very soon,” ang post ng isa sa hosts ng Magandang Buhay. Congrats, Jolens and Mark!

Gary V. nakakapasyal na

Pampa-good vibes din ang post ni Angeli Pangilinan kahapon na larawan nila ng asawang si Gary Valenciano at sa caption, she wrote na ito raw ang first lunch date nilang mag-asawa matapos ang operasyon ni Mr. Pure Energy.

“First lunch date after his heart surgery! Day 22! Week Four. Thank you to Ricco Ocampo for our lunch at Manila House ! We love the ambience there and it was so nice to just relax after his check-up!” ang bahagi ng post ni Angeli.

‘Yun nga lang, ibinalita rin niyang may nararam­daman pain si Gary sa left abdomen and asked for everybody’s prayers.

“Please pray as he has some pain on his left abdomen. I choose to believe in God’s Word that BY HIS WOUNDS (STRIPES FROM LASHES ON HIS BACK FROM WHIPPING PRIOR TO CRUCIFIXION) GARY IS HEALED! He will sing and dance again! In Jesus name!” ang post pa ni Angeli.

Show comments