^

Pang Movies

Alden sumabog na sa mga naninira sa manager

Nitz Miralles - Pang-masa
Alden sumabog na sa mga naninira sa manager

MANILA, Philippines — Hindi lang ni-like ni Alden Richards ang post ng personal manager niyang si Carlites de Guzman, ipinagtanggol pa ng aktor si Carlites sa mga mali at malisyosong akusasyon. Kahit nasa bakasyon sa Hong Kong kasama ang ilang dabarkads ng Eat Bulaga, denepensahan ni Alden ang isa sa mga unang taong tumulong sa kanya para magkaroon ng showbiz career.

Umalma na kasi si Carlites sa sunud-sunod na paninira sa kanya at damay si Alden. Nag-post ito ng kanyang saloobin patungkol sa mga taong “evil” at “villain” ang tingin sa kanya na ipinagtataka nito dahil hindi nga naman siya pumapapel sa career ni Alden. Hindi nga siya nakikitang sumasama sa mga lakad ni Alden.

“I have reached my threshold and  “I DARE ANYONE” of those who malign me to bring out proof of their libellous claims about me. Stand up for what you think is true and I am ready to go on face to face and lay each other’s cards,” post ni Carlites.

Ang tsika, pumunta na sa NBI si Carlites para magsumbong at magpatulong na hanapin ang mga naninira sa kanya online. Hindi mahihirapan ang NBI na hanapin ang mga taong isinumbong ni Carlites dahil pinost nito sa Instagram (IG) account ang tweets, FB at IG posts laban sa kanya at kay Alden.

Pinabulaanan ni Alden ang mga akusasyon kay Carlites pati ang matagal na niyang fan na si Nate Gonzaga. Nilinaw din ni Alden na personal manager niya si Carlites at ang GMAAC ang talent management niya at fake news ang mga lumabas pati ‘yung nawawala raw diumano niyang pera.

“Sa tinagal-tagal ko sa showbiz, never naging issue ang pera sa manager ko. Hindi ko nga alam kung bakit sa sobrang bait ni Carlites ginagawan pa siya ng maling kwento at may nasasabi pa ‘yung iba. Sa kanya ko natutunan lahat ng pagmamahal na ginagawa ko sa mga supporters ko ngayon,” parte ng pahayag ni Alden.

Araw-araw na lang may isyu kay Alden, sana kahit isang araw lang, maging issue-free siya, ang sarap siguro ng pakiramdam nito.

Janine may naghihintay na trabaho sa Europe

Nasa Switzerland si Janine Gutierrez para dumalo sa kasal ng isang kaibigan at magbabakasyon na rin. Mami-miss si Janine ng boyfriend niyang si Rayver Cruz dahil ilang araw din silang hindi magkikita.

Masusundan pa ang European vacation ni Janine dahil lilipad siya sa isa pang bansa para magtrabaho. Saka na ang ibang detalye kung para saan ito at kung anong big project ang gagawin ni Janine.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with