^

Pang Movies

Marian napamahal na sa mga OFW

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian napamahal na sa mga OFW
Marian

Sa presscon ng Sid & Aya (Not A Love Story) ng Viva Films na dinirek ni Irene Villamor, at showing na sa May 30, natanong pala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kung tuloy ang pagdidirek niya ng anniversary episode ng drama anthology na Tadhana hosted by his wife Kapuso Primetime Queen Marian Rivera? Nakita rin kasi ang post ni Dingdong sa kanyang IG story kasama ang kanyang Tadhana team.

Ngayong Monday, May 21 nga raw ang taping nila at ididirek niya si Ma­rian as Jackie Humabon na nag-work sa Bahrain. May asawa at dalawang anak si Marian sa story. 

Katuparan ito ng promise ni Ma­rian na gaganap siya sa isang episode at iri-request niya sa asawa na siya ang magdirek ng first anniversary episode nila.

Napamahal na kay Marian ang show tungkol sa mga success and failures ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa interview nga ni Ma­rian sa ilan sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) para sa anniversary episode, makikitang napapaiyak pa si Marian habang kausap sila. Feel ni Marian ang mga nararamdaman nila.

Every Saturday napapanood ang Tadhana sa GMA 7.

Lovi na-sepanx agad sa TOTGA

Right after nag-finale ang sexy romantic-comedy series na The One That Got Away last Friday evening, may sepanx (separation anxiety) si Lovi Poe at nag-post siya sa kanyang Instagram ng sexy pic niya with the caption: “Things just fell right into place. Her The One That Got Away...still ended up being..“The One.” Hate to break it to you guys but’s it’s honeymoon time!! So mga bakla...I’m about to put on the “do not disturb” sign. Oras na para sabihin ang Byebyekim!! Alex Makalintal now signing off.”

MMFF paiinitin nina Vic/Coco and Maricel/Maine

May mga humihiling daw kay Mother Lily na pagsamahin sa isang pelikula sina Maricel Soriano at Maine Mendoza since mas type daw ni Maine na gumawa ng comedy kaysa mag-drama. Si Maine ay may exclusive contract sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera at pwede raw magsanib ang dalawang producers para sa movie na sana raw ay isali sa coming Metro Manila Film Festival sa December, 2018. Ibig sabihin ay ilalaban nila ito sa tuloy na raw na movie na pagsasamahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

Pero papayag ba si Mr. T na labanan niya si Bossing Vic, balitang may standing agreement sila ng producer din na si Orly Ilacad na hindi nila sasabayan ang movie na ipu-produce ni Bossing sa festival, isa pa ay co-producers din sila. 

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with