Ate Vi
Ate Vi malungkot sa nangyayari sa showbiz
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 12, 2018 - 12:00am

Dahil daw sa matin­ding init ng panahon, at siguro dahil sa sobrang pagod na rin, dalawang linggo na raw ang matinding sipon at ubo ni Congresswoman Vilma Santos, at sinasabi ngang under medication na siya ngayon. Ibig sabihin niyan hindi na iyong karaniwang gamot sa ubo lamang ang ipinagagamit sa kanya.

Ang nangyayari naman kasi, kahit na sabihing naka-break ang congress at dapat nga sana ay samantalahin niya ang pagkakataong ma­ka­pagpahinga, sinasamantala naman niya iyon para makipag-meeting sa mga barangay, at sa ibang mga grupo sa nasasakupan niyang distrito.

Aminado rin naman si Ate Vi, na dahil siya nga ay 64 years old na, kailangang pag-ingatan niyang lalo ang kanyang kalusugan lalo pa nga’t medyo mabigat ang kanyang trabaho ngayon. Hindi kagaya noong araw na artista siya, kung may sakit siya ay maaari namang mag-cancel ng shooting o taping. Eh ngayong congresswoman siya, hindi naman maaaring hindi ituloy ang session ng kamara dahil may sakit siya, at ayaw naman niyang mag-absent.

Nabanggit din nga ni Ate Vi na sa ngayon ay nalulungkot siya sa nagiging kalagayan ng entertainment industry, na mukhang ang nabubuhay lamang ay television at ang pelikula ay halos humihina.

Masyado nang nananaig ang mga pelikulang dayuhan dito sa atin, at sabi nga niya hindi mo naman masisi ang audience dahil baka nga wala tayong maipantapat sa mga malalaking pelikulang ingles.

Ang nangyayari pa, isinasabay ng mga sinehan ang mas maliliit n a pelikulang Pilipino, na mas may chance sanang kumita kung hindi nila isinasabay sa ganoon kalalaking pelikula. Pero iyan talaga ang estado ng industriya, kaya marami nga ang nagsasabi, dapat siguro magbalik na si Ate Vi para makagawa naman siya ng mas kumikitang mga pelikula.

KC ‘di kailangan ang showbiz para magkadatung

Nag-iisip pa raw si KC Concepcion kung kailan siya magbabalik sa showbusiness. Kailan pa nga ba ang huli niyang serye sa TV? Kailan din ang huli niyang pelikula? Puro hosting na lamang ang kanyang ginagawa lately. Pero sinasabi naman niya na enjoy siya sa kanyang privacy sa ngayon, bagama’t nami-miss din niya ang trabaho sa showbusiness.

Ang punto riyan, hindi man mag-showbiz si KC sa ngayon, kaya naman niyang mabuhay on her own. Hindi ba matagal na naman siyang namumuhay nang mag-isa, at kaya niyang suportahan ang sarili niya dahil may mga endorsements pa naman siya. Hindi naman mawawalan ng pagkakakitaan ang batang iyan, tapos nagsimula pa siya ng negosyo niya. Palagay namin kaya na niya hindi man siya mag-artista.    

Simbahan ng Sta. Ana, maaaring sagot sa mga hinahanap sa buhay

Ngayon ay kapistahan ng Nuestra Senora delos Desamparados, ang patrona ng Sta.Ana sa Maynila. Ang milagrosang imahen ng Birhen ay nasa simbahan sa dulo ng Pedro Gil at New Panaderos Streets. Ngayon din ay ipinagdiriwang nila ang ika-440 na taon ng ministeryo ng mga paring Franciscano sa Sta.Ana. Makasaysayan din ang simbahang iyan, na isa sa pinakaluma sa ating bansa.

Subukan ninyong mamasyal ngayon sa Santa Ana, at sumama sa prusisyon mamayang hapon. Ano ang malay ninyo, baka matagpuan ninyo ang mga bagay na inyong hinahanap sa inyong buhay.

 

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with