Ihip ng hangin naiba Kris todo tawa na, tinantanan na si James?!

Sharon

Baguhin kaya ng Star Cinema ang story ng pelikula na gagawin nina Julia Barretto and Joshua Garcia?

Binigay ni Kris Aquino ang synopsis ng kuwento ng pelikulang gagawin nila na today na magsisimula ang shooting kung saan very Kris pala ang role niya. “Tomorrow i start my transformation into Sasha Imperial for @starcinema’s #iloveyouhater w/ @juliabarretto & @garciajoshuae... i made this video to remind me that these 2 boys are my greatest achievements. Baka habang nag shu-shooting, makalimutan ko kung sino si Kris at sino si Sasha, marami kasi sila masyadong pagkakahawig... Si Sasha ay dating broadcast journa­list na nagumpisa ng kanyang digital company na naging media empire hanggang sya na ang pinaka ma impluwensyang personality sa Pilipinas. Ang #JoshLia ay maglalaban para makuha ang pinakainaasam asam na trabaho, ang maging bagong executive assistant ni Sasha. Maraming bubog ang buhay ni Sasha, maaga syang nawalan ng ina, ang tatay nya ay may malubhang karamdaman, umuuwi sya sa isang mansyon pero kahit akala ng lahat napakasaya ng buhay nya, hindi sya buo dahil wala syang naging anak at hindi sya nagkaroon ng “closure” sa dating asawa. Si Joko at si Zoey magiging malaking mga instrument para buuin ang nabasag na puso ni Sasha. Si Joko at si Zoey habang naglalaban para makuha ang posisyon para maging “right hand” ni Sasha ay ma-i-in love din sa isa’t isa ngunit silang 3, maraming KATOTOHANANG madidiskubre at kailangang matapang na harapin dahil pinagsama sila ng TADHANA... For you to give an effective portrayal- you must surrender & embrace the character. It will be a difficult couple of months because there are painful truths in Sasha’s life that run parallel to mine. That’s why i made this video- to remind me that “i would never trade the tears, the conversations no one hears, the learning how to walk before we run...” i will just watch this & listen to @reallysharoncuneta’s version of “OF ALL THE THINGS” & i’ll know that because of Josh & Bimb, i became KRIS,” ang caption ni Kris sa kanyang video post na malayo sa isang post niya na todo halakhak habang may pinapanood as if walang nangyayaring kaguluhan sa paligid dahil sa kanyang mga pinakawalang salita.

Sharon nagbago ng hitsura

Wow ang bongga ng pictorial Sharon Cuneta kahapon. New image. Fierce.

Wala siyang binanggit kung para saan ang nasabing pictorial pero malamang sa comeback movie niya na matagal-tagal na rin naudlot matapos tanggihan ni Gabby Concepcion.

 

 

Show comments