Young actress laging napapahamak sa kanyang dila!

Kaloka, huh! Pagkatapos naming pamahalaan ang group interview ni Dina Bonnevie kung saan ay naikuwento niya na napagsabihan niya ang isang much younger star na nakasama niya sa isang series dahil sa pagiging late nito, marami na ang nang-uusisa sa amin kung sino ba ang artistang ‘yon na natarayan ni Ms. D?

Kahit hindi ikinuwento ni Dina ang tungkol sa bagay na ‘yon, noon pa namin ‘yon nabalitaan dahil may kasama sila sa cast na ako ang may hawak ng PR, kaya nang minsang dumalaw kami sa set ng nasabing series, naikuwento sa amin ng ilang staff ang tungkol doon.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga kami nagulat pa sa pangyayaring ‘yon dahil that time, ang much younger star kasi na ‘yon ay natsitsika na talaga na nagpi-prima donna at feeling star na star dahil that time, ginu-groom siya ng TV network na ‘yon.

Actually, noon pa may mga kung anu-anong kuwento sa much younger star na ‘yon, lalo na tungkol sa pagiging tactless niya!

Madalas ngang napapahamak si much younger star dahil sa kung anu-anong mga kinokomento niya, na talaga namang below-the-belt na kung minsan.

Aba, sino ba naman ang makakalimot nang biruin niya ang isang aktor sa isang award night tungkol sa tinanggap nitong karangalan.

The high ang birong ‘yon ni much younger star na nag-boomerang din naman sa kanya, kaya napilitan siyang mag-sorry, ‘noh?!

Kaya nga nang malaman ng mga tao na napangaralan siya ni Dina sa taping nila noon, aba, nagpalakpakan pa ang mga taong naiimbiyerna sa kanya. Hahaha!

Sarah tinawag na New Sold Out Queen of US

Para sa mga taga-ICM (International Concert Ma­nagement) na promoter ng This 15 Me US Concert Tour ni Sarah Geronimo, may bago na raw title ang Popstar.

New Soldout Queen of US daw ang dapat maging title ngayon ng girlfriend ni Matteo Guidicelli dahil ang L.A. concert niya na ginanap sa Los Angeles Theater noong Saturday ay talaga namang dinumog ng fans!

Ni isang ticket, wala g natira at marami pa raw ang gustong bumili, huh!

Kung hindi nga lang daw may Pala Casino concert siya the next day, gusto na kaagad mag-repeat ng producers ng kanyang L.A. show, ‘noh?!

Eh, pati ang Pala Casino show niya, soldout din, kaya ‘yon na nga raw ang bagay na title ni Sarah!

For sure, matutuwa si Matteo sa balitang ‘yon!

Anyway, ‘yung four shows pa ni Sarah like sa Pittsburg California Theater on April 28, sa Cannery Casino The Club, Las Vegas, Nevada on April 29, ang sa Copernicus Center, Chicago, Illinois on May 4, at sa Colden Auditorium, New York on May 6 ay inaasahan ding magso-soldout kaagad lalo na nga at naglabasan na ang magagandang reviews sa kanyang L.A. concert!

Napanood nga pala naming an g videos na kuha sa L.A. concert ni Sarah kung saan special guest sina Mark Bautista at Sam Concepcion at bumilib kami sa fans niya dahil may dala-dala silang mga pailaw.

Napakaganda nga ng dating ng concert na ‘yon dahil sa pakikipagtulungan din ng Popstar’s fans!

Obvious daw na na-miss sa Amerika si Sarah dahil limang taon siyang hindi nakapag-concert doon, huh!                         

                                       

AJ Perez hindi nakakalimutang dalawin ng fans

Noong April 17 ang 7th death anniversary ng dating young actor na si AJ Perez.

Namatay si AJ sa isang vehicular accident sa Tarlac pagkagaling sa isang out of town show sa Dagupan.

Kahit pitong taon na pagkatapos niyang masawi sa aksidenteng ‘yon, marami pa rin sa fans ni AJ ang inalala ang kanyang death anniversary noong April 17 at binisita ang kanyang puntod.

Ayon sa pamilya ni AJ, kapag dumadalaw sila sa puntod ng nasawing young actor, nagugulat na lang sila na may mga bulaklak mula sa fans silang dinadatnan.

Pati tuwing birthday ni AJ ng February 17 ay marami pa ring fans niya ang bumibisita sa kanyang puntod.

In fairness, marami ring naging friends sa showbiz si AJ na hindi pa rin siya nakakalimutan hanggang ngayon at patuloy siyang pinagdarasal.

Show comments