^

Pang Movies

Angelica kakaiba ang pa-birthday kay Kim!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angelica kakaiba ang pa-birthday kay Kim!
Angelica & Kim

Kahapon (April 19) ay sabay na nagdiwang ng kaarawan sina Kim Chiu at ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby. Of course, hindi pwedeng walang pagbati ang Queen of All Media sa kanyang anak sa kanyang Instagram account habang si Chinita Princess naman ay inulan din ng pagbati sa socmed ng kanyang mga kaibigan.

Nag-post si Kris ng larawan nila ni Bimby noong bagong silang pa ito at sa caption ay nagbigay siya ng madamdaming pagbati sa anak na ngayon ay 11 years old na.

“4 PM, April 19, 2007... a day that forever changed my life... We came from 6:30 PM Mass. Thank You God for the responsibility & privilege... thank You because i know kuya will always have a “kakampi”... thank You because You gave me reason & inspiration to be the best me... Bimb- You are my every answered prayer. You are my life, my laughter, my light... You are the living proof that i learned by example on how to be a mom from the best & she can only smile from heaven watching over you & kuya... I love you... HAPPY BIRTHDAY MY BEST FRIEND!” ang caption ni Kris.

Si Kim naman ay masayang-masaya sa kanyang kaarawan dahil kumikita ang kanyang pelikulang (DOTGA) Da One That Ghost Away na nagbukas sa mga sinehan last April 18.

Post ni Kim, “happy birthday indeed!!! maraming salamat mga kapamilya!!! DA ONE THAT GHOST AWAY showing in cinemas nationwide! live laugh enjoy!!”

Matatandaang sa presscon ng naturang pelikula ay sinabi ng aktres na ang birthday wish daw niya ay maraming manood ng kanyang pelikula. So far, nag­labas na ng figures ang Star Cinema na nag-gross daw ang P8-M sa first day pa lang kaya mukhang matutupad naman ang kahilingan niya.

Nagbigay din ng kanyang mahabang greetings at pa-tribute ang BFF niyang si Angelica Panganiban sa IG account niya.

“Hindi ko makakalimutan yung unang beses mo kong hinanap. Nasa SanFo tayo nun. Iyak ka ng iyak. Tapos walang makalapit sayo. Ako yung hinahanap mo. Nagtataka naman ako kung bakit. Pag dating ko sayo, umiiyak ka lang.

“Kinabukasan, halos ayaw mo mamansin. Gets ko yun. Tapos, susunod na byahe natin, nasa NYC tayo, nakiusap ka sakin na isama kita sa New York. Sa isang bahay lang tayo tumira. Doon ka naging si PRINGLE sa buhay ko hanggang sa madami nang nangyari... hindi na tayo nakapag usap. Eto na yung susunod na nangyari... itong video na to. Tawang tawa ka sa pag HI ko sa inyo. Kasi nga, we have something in common. Dibaaaaa... (samin na lang yun)

“Moms @chini­taprincesshappy happy birthday! Madalas akong magpasalamat sa mga dasal ko, kasi may totoo akong kaibigan sayo. Sa inyo ni Bela. At oo!!! “I’m gonna kill you” sa love at laughter. I miss you momsy kimmy! Happy birthday! (Sabi ko sayo, handa ako sa birthday mo eh) anyway, manood kayo ng D.O.T.G.A  mahal kita moms. Papatawanin kita palagi ng ganyan. Promise,” ang post ni Angelica.

So far, inaabangan namin ang pasabog ng rumored boyfriend niyang si Xian Lim kahit sa socmed lang, pero as of this writing ay wala pa siyang birthday message para kay Chinita Princess.

 

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with