^

Maine pinagkakaisahan ng fans ni Alden?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 11, 2018 - 12:00am

Hindi man ipinapakita ni Maine Mendoza sa harap ng camera, halata mong talagang inis na siya sa fans na walang ginawa kung hindi si­raan ang sino mang sinasabing malapit sa kanya. Sinabi nga ni Maine na ang dapat ginagawa ng fans ay suportahan na lang kung sino ang gusto nila at huwag siraan ang ibang mga tao.

Pero kung iisipin mo, ang fans lang ba ang may ganoong mentality? Hindi ba maski sa press din ay may “nakikisakay” sa ganoong kaisipan, o “nasasakyan ng may ganoong kaisipan”.

Hindi namin talaga mawari, maski na sa mga ibang opinion na nababasa namin kung bakit para bang isang kasalanang mortal kung ang isang lalaki ay maging kaibigan ni Maine, at tila para sa kanila, si Alden Richards lang ang may karapatan na dumikit sa dalaga. Unang-una hindi naman syota ni Alden si Maine. Ni hindi nga siya nanliligaw dito sa totoong buhay. Ang panliligaw ni Alden ay hanggang sa kal­yeserye lamang. Ano ang gusto ninyong mangyari, mabuhay sa kalye­ser­ye si Maine?

Huwag namang magagalit sa amin, pero ang tingin namin hindi lang “sabaw”. Iyan ang matatawag mong “utak lugaw”. Ano ba ang pakialam ninyo sa personal na buhay ng mga artista? Wala namang ginagawa si Maine para si­rain ang kanilang love team. Love team nga sila ni Alden, pero hindi naman nangangahulugan iyon na nakatali na roon ang buhay niya.

Wala naman yata sa kontrata ni Maine sa Eat Bulaga na kailangan siyang magpanggap na syota ni Alden habang panahon. At saka sagutin nga ninyo, sino ba kasi ang nakikinabang sa love team na iyan kaya takot na takot silang mawala?

Doon sa argument nilang mas sikat na artista si Alden, eh di sige. Tutal sa tingin pala nila si Maine ang mawawala kung mabubura ang AlDub. Bakit sila aligaga?

Matinding traffic inaasahan sa concert ni Sarah

Walang duda na dinumog si James Reid sa nakaraang concert niya sa Araneta. Iyong concert din naman na ginawa ni Xian Lim ay naging mala­king hit din. Si Daniel Padilla “not just once but twice” na pinuno na niya iyang venue na iyan.

Tapos silang tatlo ay lalabas pa sa This I5 Me ni Sarah Geronimo sa Araneta rin sa Sabado.

Isa lang ang masasabi namin ha, iwasan na ho ninyo iyang lugar na iyan sa Sabado dahil siguradong tanghali pa lang ay traffic na dahil dadagsa na ang fans ng mga nabanggit. Iwasan na rin iyang lugar na iyan kung kayo ay mamamasyal lang at hindi naman manood ng concert, dahil kami nara­nasan namin iyan minsang may concert din si Sarah sa Araneta. Ang hirap humanap ng sasakyan pauwi at magugutom ka dahil lahat ng kainan ay puno. Lahat ng ‘di nakapasok ay bumuhos sa mga restaurant.

Maglakas-loob na lang kayong sumugod kung manonood kayo ng concert at may hawak na kayong tickets ngayon pa lang. Kung hindi, aywan.

Aktor sinita ng mga boss sa sobrang Playboy

Totoo pala ang tsismis. Pinagalitan na raw ng network ang actor na masyadong playboy, na lahat ng makasamang artista ay nagiging syota kahit na ang mga iyon ay may syota nang iba. Pinagsabihan siyang makakasira iyon sa kanyang career oras na kumalat iyan. Bakit hindi pa ba kumakalat?

Hindi pa ba bistado ng totoong syota ng huli niyang syinota kung ano ang nangyari?

Ang lakas ng tawa namin diyan.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with