^

Pang Movies

Sex videos ng mga artista, libreng nakukuha sa social media at gay websites

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Usapan na naman ngayon ang mga sex videos, dahil doon sa sinasabing sex video raw ni Mark Herras na kanyang ikinaila na, noon pa man.

Hindi lang naman si Mark ang nagkaroon ng sex video na ganyan. Mayroon nga kaming kakilala, may collection na siya ng lahat ng mga artistang nagkaroon ng sex video, at nakukuha lang naman daw niya iyon nang libre sa social media at mga gay websites.

Basta kasi may nakakuha na ng kopya, ipagyayabang na iyan sa social media, at hindi man niya i-post ikakalat niya iyon sa mga kakilala niya para masabing mayroon siya noon. Hindi lang naman ngayon nauso iyang sex video ng mga artista, hindi pa uso ang social media, may ganyan na. Noong araw umabot pa sa senado ang imbestigasyon ng isang talent manager na gumawa ng ganyang mga video ng kanyang talents. Ano ang nangyari pagkatapos? Wala rin.

Kamakailan, kumalat din ang video ng isang photographer na kinukunan ng pictures at video ang mga modelong lalaki na nakahubad, makalipas ang ilang araw, wala na rin. Kasi puro naman “the who” ang kanyang nai-video. Walang sikat.

Natatandaan namin, ilang taon na ang nakararaan, kumalat din ang sex video ng isang batam-batang artistang babae na naging bida pa sa isang serye sa telebisyon. Naudlot ang career noong bata .

Isa sa pinakamatinding biktima niyang mga sex videos na ganyan ay si Hayden Kho. Papasikat na sana siya bilang artista noon nang biglang su-    mabog kanyang scandal. Talagang naapektuhan siya, inalisan pa siya ng lisensiya bilang isang doctor, pero makalipas ang ilang panahon, back to normal na at sinasabi pa ngang ngayon ay mukhang pastor na siya ng mga born again.

Kung iisipin mo, napakarami ng mga artista, modelo o kung sinu-sino pa na nagkaroon na ng sex video. Sinasabing karamihan sa kanila ay maaaring naloko lang ng kumuha ng sex video. Mayroon namang umaamin na sila ay binayaran para gawin ang isang sex video, kagaya nga ng isang gay male bold star noong araw, na diumano ay binayaran ng isandaang libo para gawin ang sex video niya.

Iyong iba naman nabobola na kunwari gu-magawa sila ng isang indie film, pero hindi naman pala kung ‘di para lang ikalat sa social media.

Noon may nakausap pa kaming isang indie film star na nagrereklamo rin dahil nakunan daw siya ng picture ng isang photographer nang nakahubad talaga at kita ang kanyang private parts, tapos makalipas ang tatlong taon may lumabas pang video noon sa social media.

Kung pag-aaralan nating mabuti, sila rin naman ang may kasalanan. Kung hindi sila gu-magawa nang ganyan, sa ano pa mang dahilan, walang kakalat na sex video nila. Eh pumayag silang gumawa eh. Tama ang sinabi ng isang taleng manager, minsan sa kapilyuhan din nila, gumagawa sila ng mga ganyang bagay. Kaya kung kumalat man, kasalanan nila. In the first place walang kakalat na mga ganyang self sex videos kung hindi mismong sila ang gumawa niyan. Siguro may lusot pa iyong nalasing kaya nakunan ng ganyang video, kagaya ng nangyari sa isang young male star noong araw. Pero iyang mga ganyang self sex videos, sila mismo ang gumawa niyan.

Makakalimutan din naman iyan eh, kaya mas mabuti pa nga aminin na nila para tapos na ang usapan. Kung hindi, di ipilit nilang may ka-look alike sila na gumawa noon. Pero mahirap iyon dahil para credible, kailangang ilabas ang ka-look alike.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with