^

Pang Movies

Veteran TV host na di adik sa social media nakaligtas sa pamba-bash ng maka-Catriona

Jun Lalin - Pang-masa

Naku, mabuti na lang at hindi mahilig sa social media ang isang veteran TV host/radio anchor dahil baka katulad nina Maggie Wilson at Bea Rose Santiago ay na-bash na rin siya ng fans ni Catriona Gray.

Nagkomento kasi si veteran TV host/radio anchor na parang hindi maganda ang katawan ng reigning Bin­i­bining Pilipinas-Universe sa litrato nito na lumabas sa frontpage ng isang broadsheet.

Hindi ba “kinuyog” sa social media ng fans ni Catriona sina Maggie at Bea Rose dahil sa pagkokomento nila na hindi dapat nanalo ng special award na Best in Swimsuit si Catriona?

Anyway, ‘yung komento naman ng TV host/radio anchor ay hindi naman pamumuna sa katawan ni Catriona.

Nagkomento lang siya ng ganoon dahil parang hindi raw namili ng mas maganda namang picture ni Catriona ang nasabing broadsheet at kung ano ‘yung hindi kagandahan ang dating ng katawan ng Binibining Pilipinas-Universe 2018 ay ‘yon pa ang ginamit.

Mariel may pa-welcome gift agad kay Kai

Isa si Mariel Rodriguez-Padilla sa mga naunang nagpadala ng welcome gift sa bagong silang na si Baby Kai ng mag-fiancé na sina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa gender reveal party din para kay Baby Kai, duma­ting din si Mariel kasama ang anak nila ni Robin Padilla, si Isabella.

Sa first baby shower din ni Sarah for Baby Kai, dumating din si Mariel kasama rin si Isabella.

High school classmates at magbarkada pa sina Mariel at Richard, kaya naman hindi nakakapagtaka na palaging nandoroon ang misis ni Robin kapag may special event sina Ri­chard at Sarah.

Yasmien kinaawaan

Kung si Gina Alajar ang bagong kinamumuhian ngayon ng fans dahil sa role niya bilang bruhildang mother-in-law sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, si Yasmien Kurdi naman ang bagong kinaaawaan ng loyal viewers ng afternoon shows ng GMA 7.

Awang-awa sila sa character ni Yasmien na si Thea na inaapi-api ni Adel (Gina).

May mga nagsasabi na gusto nilang sabunutan at sampalin si Gina dahil sa pang-aaping ginagawa sa character ni Yamien sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Tama lang ang desisyon ng Kapuso management na kay Yasmien ibigay ang Thea character sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil mukha talaga siyang nakakaawa sa role na ‘yon.

Daniel may naka-set up na sorpresa kay Kathryn

Nasa US na ang rumored-sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa concert series nila roon na prodyus ng dating singer na si Lerma dela Cruz. Kasama nila sa US si Inigo Pascual at dalawa pang comedian na mapapanood din sa One Magical Night concert series.

Balitang may sopresang inihahanda si Daniel para kay Kathryn na magbi-birthday sa Monday. Bale 22 years old na si Kathryn on Monday. Aminin na kaya nila ang sinasa­bing lihim nilang relasyon?

Anyway, pagbalik daw ng KathNiel, pag-uusapan na uli nila ng creative team ng Star Cinema ang pelikulang malapit na nilang simulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with