Direk umapela ng good vibes Direk Cathy, kinuyog ng JaDine fans!

Direk Cathy at Direk Dan

“Guys. Tapos na yung issue na to matagal na. Kalma, lapit na lumabas yung peliks. Sayang energy sa bv,” ang apela ng direktor na si Dan Villegas sa JaDine fans na na-hurt sa mga tweet ng another director na si Cathy Garcia Molina.

Project ni Dan at ng kanyang girlfriend na si Antoinette Jadaone para sa Viva Films ang Never Not Love You kaya damay sila sa galit ng JaDine fans kay Molina.

Si Antoinette din ang direktor ng Never Not Love You kaya kinukulit siya ng fans na maglabas ng statement tungkol sa isyu na kinasasangkutan ni Molina.

Totoo naman ang sinabi ni Dan na matagal nang tapos ang isyu na naayos bago pa sila lumipad noon sa London para sa shooting ng Never Not Love You.

Parang ni-recycle lang ang balita dahil sa mga komento ni Molina na kinukuyog din ngayon ng fans.

Hopefully, makatulong ang pagpapakalma ni Villegas sa mga na-hurt na JaDine fans na lalong nagkaisa na susuportahan nila ang Never Not Love You kapag nagbukas ito sa mga sinehan sa March 31.

Nangako ang fans na sila ang magpapatunay kay Molina na mali ang pagkakakilala nito kina James at Nadine.

Dranreb at Valerene, Ikinasal uli

Obvious na pinaghandaan ni Dranreb Belleza ang civil wedding nila noong Miyerkules ng kanyang misis na si Valerene dela Riva na kamag-anak ng former actress na si Gigi dela Riva.

Malaki ang nabawas sa timbang ni Dranreb nang ikasal sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na proud na suot ang kanyang general’s uniform.

Anak si Dranreb ng former sexy star na si Divina Valencia at ng pumanaw na action star na si Bernard Belleza. Binaliktad na pangalan ng tatay niya ang history ng pangalan ni Dranreb na ex-member ng That’s Entertainment at mahusay na painter.

Hindi first time na nagpakasal sina Dranreb at Vale dahil nagkaroon na sila ng Christian wedding noong August 15, 2011.

Matagal nang magkakilala ang dalawa dahil childhood friends sila. Twelve years old si Dranreb nang makilala at naging magkalaro sila ni Vale na may tatlong anak at annulled ang kasal sa unang asawa.

Gustong-gusto ni Vale ang ugali ni Dranreb na protective at mapagmahal sa mga anak niya.

Hindi na active si Dranreb sa showbiz pero kilala siya na magaling na painter.

Parang may ibang appeal sa mga artist na gaya nina Dranreb at Joey de Leon ang March dahil ito rin ang buwan na pinili ni Papa Joey sa civil wedding nila ni Eileen Macapagal.

Ikinasal sina Papa Joey at Eileen sa Supreme Court noong March 19 at nangyari naman noong Miyerkules ang civil wedding nina Dranreb at Vale.

May potential ka…

Gigi napapayat si Jolo sa sariling weight lost foods

Dahil nabanggit ko si Gigi dela Riva na ex member din ng That’s Entertainment, naalaala ko na malaki ang kinalaman niya sa pagpayat ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Hindi lamang si Jolo ang pumayat dahil malaki rin ang nabawas sa timbang ni Gigi na gumawa ng sariling diet foods para sa pamilya niya.

Asawa ni Gigi si Marlon na kapatid ni Bong Revilla, Jr.na tatay ni Jolo.

Very effective ang weight lost foods ni Gigi kaya kung gugustuhin nito, puwedeng-puwede siya na magtayo ng food business para sa mga may weight problem dahil napapayat niya si Jolo.

Show comments