^

Pang Movies

Pumalag sa pananahimik Ellen may pa-lipstick kay Angelica!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Pumalag sa pananahimik Ellen may pa-lipstick kay Angelica!

Ellen at Angelica

Balik-Instagram na si Ellen Adarna dahil may bago na siyang post. ‘Yun nga lang, advertisement ito ng isang brand ng cosmetic na marahil ay ine-endorse niya.

Sa larawan ay may hawak na lipstick si Ellen kaya iniintriga ito na ito ang sagot niya sa IG story post ni Angelica Pa­nganiban kung saan ay hawak-hawak ng aktres ang lips niya at may caption na “nag­rereklamo na ang labi ko. Kailangan na niya (ang dami ko ding alam eh).”

Pero kapansin-pansin sa post ni Ellen na larawan na parteng itaas lang niya ang naka-expose at hindi kita ang kanyang buong katawan, but in fairness, winner pa rin ang beauty niya.

Anyway, bago ito, ang huling post ni Ellen ay noong Feb. 13 pa at mahigit isang buwan ding naka-deactivate ang kanyang public account at nag-set-up ng bagong private account.

Nagbalik na si Ellen sa IG pero si John Lloyd Cruz, patuloy pa rin ang pagbabakasyon at hindi pa nagbabalik-showbiz.

Alden magre-relax sa Dapitan

Ngayong Holy Week ay magbabakasyon si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya sa Dakak Beach Resort sa Dapitan. Sasamantalahin niya ang Mahal na Araw para makapagpahinga with his family dahil pagkatapos na pagkatapos ng Lenten Season ay lilipad na siya patungong US and Toronto para sa Sikat Ka Kapuso show.

“First family trip po (ng Holy Week) na kasama ako kasi the last time, hindi po ako nakasama when they went to Ilocos,” kwento ni Alden sa media launch ng bago niyang ine-endorse na Cookie’s Peanut Butter ng mag-asawang Cookie and Joy Yatco.

Apat na araw daw sila sa Dakak at babalik sila ng Good Friday para nasa bahay na lang sila ng Black Saturday and Easter Sunday.

Ayon sa aktor, basta may time sila na makapagbakasyon ng pamilya ay ginagawa niya dahil nga bumabawi siya ng oras sa mga ito.

“Ito na lang po kasi ang time ko with them, eh. Kasi work everyday, 24/7, Mondays to Sundays. So, parang at least, pag nabibigyan po ng mga breaks na ganito na medyo mahaba, tine-take advantage ko po to spend time with them,” pahayag pa ng aktor.

Sa latest controversy naman sa kanila ng kap­wa Kapuso actor na si Juancho Trivino, ayon kay Alden ay okay na raw since nag-sorry na nga ito sa kanya.

Samantala, si Alden ang first brand ambassador ng Cookie’s Peanut Butter at ipinagmamalak niya na walang halong anumang preservatives ang produkto. Wala pa nga raw ito sa market nang matikman niya dahil kaibigan niya ang mag-asawang Yatco.

Kaya nang finally ay ilabas na ito sa market at gawin nang negosyo talaga, isa si Alden sa tuwang-tuwa lalo pa nga nang pumatok ito sa consumers.

Naniniwala naman sina Cookie and Joy na napakalaking tulong ni Alden sa pagiging mabili ng kanilang peanut butter aside from the fact of course na masarap ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with