Female performer gamit na gamit ang baso ng coffee shop ‘pag lumalaklak ng alak!

Bangenge kadalasan ang isang female performer kapag nasa out of town gig siya. Pero sa alak siya bangenge at hindi sa droga, huh!

Bago siya umakyat sa stage, lumalaklak na siya ng alak. Dala-dala na niya ito at inilalagay sa baso ng isang food chain. Mas feel niyang uminom kesa kumain.

Kaya pagsampa sa stage, bigay na bigay ang female performer na gustung-gusto naman ng mga tao. 

In all fairness, never naman siyang nambitin ng show kahit na nga hindi na masyadong kalakihan ang bayad sa kanya  kumpara nu’ng biglang sikat siya.

Bong niregaluhan ng pelikula ang ama

Tinupad ni Senator Bong Revilla, Jr. ang pangako sa amang si Ramon Revilla, Sr. na magbabalik sa paggawa ng pelikula ang family production nilang Imus Productions.

Sinimulan na ng pamilya ang latest offering nitong 72 Hours na pinagbibidahan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Kapareha niya si Rhian Ramos na nag-aaral sa paghawak at pagbaril para sa role niyang PNP officer.

Ang pagiging aktibo muli sa movie industry ng Imus ay birthday gift na rin ni Sen. Bong sa ama na nagdiwang ng kanyang 93rd birthday.

Heart nagluto sa Sorsogon

Lumabas muli ang pagiging mapagkawanggawa ni Heart Evangelista sa mga taong nanamahala sa Kusina ng Kalinga mula sa Gawad Kali­nga. Sa Instagram post ng Kapuso actress, meron kitchens sa buong bansa ang Gawad Kalinga na nagpapakain ng mahigit na 500 na bata.

Dahil sa Kusina ng Kalinga, natuto si Heart na magluto ng pagkaing hindi niya madalas lutuin. Sa IG foto niya, hinahalo niya ang pagkaing nasa kaldero.

Nagpasalamat siya sa team na siyang nagturo sa pagluto ng recipe. Kaya naman hinikayat niya ang kanyang followers na maging volunteer din sa activity na ito ng Gawad Kalinga.

Sa isang post naman niya, binigyan niya ng pasalubong ang batang si Aaron, isa sa bata na may cerebral palsy. Isa ito sa ginawa niya nang muling bumisita sa Sorsogon kasama ang asawang si Senator Chiz Escudero.

Show comments