Bernardo Bernardo sumunod na kina Direk Maryo at Direk Argel!

Bernardo Bernardo

Pangatlo ang theatre/movie actor at stage director na si Bernardo Bernardo sa mga namatay na director sa showbiz. Una ay si Maryo J. delos Reyes na sinundan ng TV director na si Argel Joseph.

Namatay kahapon ng umaga, Huwebes, si Bernie (tawag sa kanya ng kaibigan) ayon sa Facebook post ng pamangkin niyang si Vecina Santos.

Nagkaroon ng tumor sa pancreas si Bernie kaya naman tinulungan siya ng ilang kaibigan sa stage at movies nang magsagawa sila ng fund raising nitong nakaraang buwan sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato para sa pagpapagamot niya sa ospital.

Tumatak ang pangalan niya sa movies nang gawin niya ang Regal movie na City After Dark nu’ng 1980. Nanalo siya rito ng best actor award mula sa Gawad Urian habang sa TV ay markado rin ang role niya sa Home Along Da Riles. Huli siyang napanood sa festival entry na Ang Larawan.

Ayon sa ilang kaibigan, nakahimlay ngayon ang labi ni Bernardo sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Ave­nue.

Ang amin pong pakikiramay sa naulila ni Bernie…

Mother Lily tinugtugan si Direk Maryo

Ipinadamang muli ni Mother Lily Monteverde ang pagmamahal kay direk Maryo J. delos Reyes nang maging host ng 40th day kahapon ng namayapang director. Pamilya na ang turing ng Regal mat­riarch sa director kaya naman bukod sa paggamit ng kanyang Valencia Events Place, tumugtog din siya ng piano.

Sa okasyong ‘yon, namigay naman ng bookmark si direk Joel Lamangan kung saan nakalagay roon ang isang quotation mula sa kaibigang director.

Mikee nagawa pang mag-bingo pagkatapos ma-ospital

Maayos na ang kalagayan ng Kapuso actress na si Mikee Quintos matapos itong isugod sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City at ma-confine ng ilang araw. Nagkaroon siya ng allergic reaction dahil sa antibiotics.

 “First time getting admitted, and it’s not so bad!!! Hahahaha. Thank you for all the prayers and messages, really I appreciate it,” caption ng bida ng Sirkus sa pic niyang nasa Instagram habang naka-dextrose.

Nagpasaya pa si Mikee ng mga kapitbahay n­iya sa Sampaloc sa Bingo event last Sunday. Ito ay project ng ama niyang si Konsehal Wardee Quintos kasama ang dating Manila Vice Mayor na si Isko Moreno.

Show comments