^

Pang Movies

Sharon napikon sa bintang na nagda-drugs para pumayat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sharon napikon sa bintang na nagda-drugs para pumayat

Sharon Cuneta

Kung minsan talagang may mga taong mapanghusga sa kapwa nila. Natatandaan namin noong araw, tumaba rin naman si Sharon Cuneta. Talaga namang tabain siya eh. Pero noon hindi naman siya lumalaki nang todo, kaya basta may gagawin na siyang proyekto, mga isa o dalawang linggo lang na diet ay balik na agad sa dati ang katawan niya. At saka siyempre iba noon dahil bata pa siya, madali ang magbawas ng timbang.

May mga basher na nagsabi noon, kaya raw pumayat si Sharon ay dahil sa droga. Galit na galit talaga noon si Sharon. Una talagang naghirap siyang magbawas ng timbang, at tapos pagbibintangan pa siyang gumagamit ng droga. Ang natatandaan namin nagdemanda noon si Sharon eh.

Hindi talaga maganda iyong ganoon na basta umayos ang katawan kung hindi cosmetic surgery ang sasabihin ay nag-drugs. Nagsisikap iyong mga tao para pabutihin ang hitsura nila.

Sunshine may sagot sa bintang na retokada

Minsan, napagkuwentuhan na rin namin ni Sunshine Cruz ang ginagawa niyang pangangalaga sa kanyang katawan, at hindi lamang naman ngayon iyan. Kahit noong araw talagang pinangangalagaan niya ang katawan niya, at sinasabi nga niya hindi dahil artista siya kung hindi dahil talagang ang paniwala niya ay obligasyon niya sa kanyang sarili na mapanatili namang healthy siya.

Kahit na noong panahong nasa That’s Entertainment pa iyang batang iyan, hindi mo siya mapapansing kumakain ng junk food kagaya ng iba niyang mga kasama, na natural lang naman sa mga kabataan noon. Conscious si Sunshine, hindi sa hitsura niya kung hindi for health reasons.

Sinasabi nga niya na noong maging artista na siya, mas lalo siyang nag-ingat sa pagkain, “kasi kailangan naman pagharap mo sa came­ra hindi ka pangit tingnan” ang madalas pang biro niya.

Pero totoo iyon, at hindi madali ang kanyang ginagawa. Medyo mapili siya talaga sa pagkain, at konti lang talaga siya kumain ng kanin. Inaamin din naman niya, minsan naiinggit siya sa kinakain ng iba, at may mga araw na pinagbibigyan naman niya ang sarili, pero talagang obligasyon niya na pangalagaan ang katawan niya dahil artista siya.

Ngayon nga mas lalo na, dahil nga may ine-endorse siyang mga produkto na kailangang makitang fit talaga ang kanyang katawan.

Kaya nga nakakatawa eh, dahil pilit siyang bina-bash ng mga hecklers at sinasabing “operada” siya, kaya ganoon ang kanyang katawan. Wala namang masama na sumasailalim ng cosmetic surgery para magpaganda. Kung may pera kang pambayad at sa tingin mo tama iyon eh bakit ba hindi. Pero si Sunshine, talagang nagsisikap iyan eh. Talagang nagtitiis siya para mapanatili ang kanyang katawan. Hindi lang bantay sa pagkain, basta may oras iyan nasa gym iyan. Hindi lang weights, nagba-boxing pa nga siya. Talagang nagsisikap iyong tao para mapanatili ang kanyang katawan, hindi lang para ­ipang-display, kung hindi para rin sa kalusugan niya.

Male starlet nagbababad sa gym para makabingwit ng madatung na lover

Iba naman daw ang dahilan kung bakit halos araw-araw ay nakababad sa gym ang isang male starlet. Noong dumalang na ang kanyang assignment, pumasok siya sa kakaibang “sideline” para buhayin ang kanyang ka-live in at isang anak na babae. Kaso tumaba rin siya at natural bagsak na sa sideline. Kaya ngayon nagbababad na naman siya sa gym, kasi sinasabi nga niya “kailangan sa negosyo eh”.

Ibang klase rin talaga ang negosyo niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with