^

Pang Movies

JM ayaw nang sayangin ang bagong career

Jun Lalin - Pang-masa
JM ayaw nang sayangin ang bagong career

JM de Guzman

Active na uli talaga si JM de Guzman sa kanyang showbiz career.

Bukod sa nagte-taping na siya sa bago niyang series sa ABS-CBN, nasa ASAP din siya kahapon at kumanta kasama ni Inigo Pascual at iba pa.

Third chance na ni JM ito sa kanyang showbiz career at inaasahang natuto na talaga siya at hindi na maliligwak pa ng landas.

In all fairness sa mga taga-Kapamilya network, very supportive sila sa patuloy na pagbabago for the better ng ex-boyfriend ni Jessy Mendiola!

May offer nga palang indie movie ang isang kaibigan namin kay JM, pero hindi pa raw sumasagot ang Star Magic tungkol doon.

Malamang, sa Star Cinema muna gagawa ng pelikula si JM.

KC at Raymond, imbitado sa sosyalan sa Amanpulo

May event ang isang mamahaling watch sa Amanpulo, isang private Palawan island resort na sinasabing sobrang ganda, pero sobrang mahal din.

Ilang Hollywood celebrities na rin ang napapabalitang nagpunta na roon.

Sina Richard Gutierrez, Sa­­rah Lah­bati, at Zion ay nag­bakasyon din doon ka­makailan.

Ang event naman ng na­sa­bing mamahaling watch ay magsisimula raw bukas.

Isa si Raymond Gu­tierrez sa mga naimbitahan na pumunta bukas sa Amanpulo. Ang sabi rin daw ng organizers, imbitado roon si KC Concepcion, kaya nangangahulugan bang pabalik na ng bansa ang dalaga mula sa Los Angeles, Cali­for­nia?

Si Raymond, kahapon pa nakabalik ng bansa para makapagpahinga muna bago lumipad pa-Amanpulo.

Invited din sana sa event na ‘yon si Isabelle Daza-Semblat, pero dahil manganganak na raw ito sa first week of April, hindi na pinayagan ng kanyang obstetrician/gyneco­logist ang anak ni Gloria Diaz.

Hindi na raw advisable kay Isabelle ang lumipad pa-Amanpulo.

Nag-decline na rin si Isabelle nang hindi siya payagan ng kanyang doktor.

Inigo pinupuri sa pakikisama

Sina Martin Nievera, Inigo Pascual, at Jona sa isang musical show sa isang school sa may Cavite.

In all fairness to Inigo, magaling talagang kumanta ang anak na ito ni Piolo Pascual dahil hindi siya napag-iwanan nina Martin at Jona.

Bukod sa magaling na singer, magaling din daw ang PR nitong si Inigo.

Madalas na napupuri sa amin ni Martin si Inigo at sinasabing very humble ang binata.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with