^

Pang Movies

Paghahanda sa pulitika? Dingdong mag-aaral ng public management sa U.P.!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Paghahanda sa pulitika? Dingdong mag-aaral ng public management sa U.P.!

Dingdong

Love na love ni Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera ang kanyang Super Ma’am family at tinupad niya ang promise na magkakaroon sila ng reunion ng buong cast na naganap nga last Friday, February 23. 

Very soon ay aalis ang mag-anak na Dingdong, Marian, at Zia para sa long delayed vacation nila sa Spain para makita na rin ng kanyang ama ang apo at iba pang relatives ni Marian doon, ayon sa manager niyang si Rams David.  At pagbalik nila ay sasabak na sa trabaho si Marian ng isang dramaserye sa GMA 7.  Pahinga muna siya sa action at magpapaiyak naman siya ng televiewers. Sisikapin din nilang masundan na si Zia, kung ipagkakaloob ng Diyos.

Si Dingdong ay may dalawa ring project na pinagpipilian sa GMA, at malamang magkasabay uli ang mag-asawa sa primetime block by the 3rd quarter of the year. 

Samantala, nag-enrol na sa Open University ng University of the Philippines Diliman si Dingdong para kumuha ng Masters on Public Management.  Paghahanda na ba ito ng Kapuso Primetime King sa pagpasok sa pulitika?

Ogie naiyak nang mag-top sa Spotify ang kanta ni Leila

Kung napaiyak ang dating OPM President na si Ogie Alcasid nang mag-sign ng contract ang panganay niyang si Leila Alcasid sa Star Music, napaiyak na naman siya sa tuwa nang pumasok agad sa Top 20 ng Spotify ang digital single nitong Completely In Love.

Pero after a day na umakyat na agad ito sa number 11 spot.  Kaya mada-download na rin ito sa iba pang digital media flatforms. Last January 31 lamang nag-sign ng contract si Leila at tumayong manager niya si Ogie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with