Maine nagpaka-turista sa Niagara Falls

Magkasunod na dumating ng bansa sina Phenomenal Star Maine Mendoza at Pambansang Bae Alden Richards, last Monday, January 22. Nauna si Maine early morning from Toronto, Canada at early afternoon naman si Alden from Sydney, Australia.

Bago bumalik si Maine, pagkatapos niyang mag-attend sa MAC at gumawa ng sari­ling lipstick na ie-endorse niya, nagkaroon pa siya ng chance na makapunta ng Niagara Falls sa Ontario, Canada. Isa ang magandang falls na ayaw i-miss ng kahit sinong pumupunta ng Canada.

Si Alden naman after ng successful Alden Richards Live in Sydney concert with Betong Sumaya, ay nakapag-attend pa ng service sa Hillsong Church in Sydney, at nagkaroon pa ng ilang meet and greet with the fans doon. 

Back to work na sina Alden at Maine sa Eat Bulaga.  At excited ang AlDub Nation dahil muling magkakasama sa isang event ang dalawa sa Thursday, January 25, para sa #PlatinumKaraokeKanta­han2018. Gaganapin ito sa SMX Convention Center sa Mall of Asia.

Sa January 26 naman guest si Alden sa pa-benefit concert ng kanyang spiritual director na si Rev. Fr. Jeffrey Quintela para sa pagpapagawa ng canopy ng San Isidro Labrador Parish Office sa Greenland 1, Nangka, Marikina City. Gaganapin ito sa The Grand Cobo Events Place, Marikina City at 7:00 PM. Isa rin sa guests si Julia Clarete at iba pang kaibigang pari ni Fr. Jeff.

Hinihintay naman ng ADN ang bonggang launch ng MAC Lipstick ni Maine.

Ryza at JC may init ang tambalan!

Interesting pair sina Ryza Cenon at JC Santos para sa director nilang si Sigrid Andrea Bernardo, dahil first time niyang naidirek ang mga ito sa mainstream movie nilang Mr. & Mrs. Cruz for Viva Films at The Idea First Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Para naman kina Ryza at JC, parehong may pressure sa kanila ang paggawa ng Mr.  & Mrs. Cruz dahil isang blockbuster movie ang unang idinirek ni Sigrid, ang Kita Kita. Hindi raw kasi nila alam kung tatanggapin sila dahil first time din nilang pagtatambal ito at sila lamang dalawa ang gumanap sa movie. Una kasing napanood si Ryza sa indie film na Ang Manananggal sa Unit 23B na umani naman ng papuri sa mga kritiko.

Si JC naman ay second mainstream movie ito after ng 100 Tula Para kay Stella, at humanga naman siya sa husay umarte ni Ryza. Nababalitaan daw niya ang husay nito sa afternoon drama prime series nitong Ika-6 Na Utos kaya naman marami raw siyang natutunan sa actress pagdating sa mga camera angle at blocking sa bawat eksena. Nagpasalamat siya na nakasama niya si Ryza at naidirek ng mahusay na director si Sigrid Andrea Bernardo.

Bukas, Wednesday, January 24, showing na in cinemas nationwide ang Mr. & Mrs. Cruz na kinunan ang kabuuan sa El Nido, Palawan.

Sheena aminadong halimaw sa role

Thankful si Sheena Halili na magtatapos ang Impostora next month na kasama pa rin siya sa cast dahil siya ang gumaganap na si Rosette sa likod ng suot na maskara nito. 

Biniro tuloy si Sheena na hindi na siya tatawa­ging Pambansang Bestfriend dahil naging kontrabida na ang role niya. Hindi rin daw dahil kapag siya si Rafaela, mabait at beshie siya ni Nimfa pero kapag si Rosette na siya, ‘halimaw’ daw ang character niya.

At masarap daw palang maging kontrabida na ngayon lamang niya nagawa.

Napapanood ang Impostora pagkatapos ng Ika-6 Na Utos.

Show comments