Cherie aminadong umaatake ang pagsusungit at tantrums kahit nasa taping!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 21, 2018 - 12:00am

Inamin ni Cherie Gil na nami-miss niya ang kanyang mga anak na based sa ibang bansa.

Noong nakaraang Pasko at Bagong Taon kasi ay hindi siya nakalabas ng bansa dahil nagkaroon siya ng operasyon sa tuhod.

 “My doctor told me to stay put dahil medyo maselan ‘yung naging operasyon ko sa tuhod.

“So for three weeks, I was here lang attending to a lot of things naman like producing a concert for my dad, Eddie Mesa sa Meralco Theater.

“I was also into dancing, pero noong maopera na ako, I have to stop. Kaya tamang-tama lang nang dumating ang offer ng GMA 7 to do Sirkus,” sey ni Cherie.

Akala ni Cherie ay pangkaraniwang kontrabida lang si La Ora, pero na-enjoy daw niyang gawin ito.

Thankful si Cherie sa production staff ng Sirkus dahil kahit na minsan ay nagsusungit siya ay naiintindihan daw nila ito.

“I admit na minsan masungit ako kasi sa location namin, paiba-iba ang weather. Minsan malamig, minsan napaka-humid.

“Alam nyo naman sa edad natin, irritable na tayo. And I thank the people of Sirkus for putting up with me and my tantrums.

“Pero bilib ako sa product ng Sirkus. The special effects are amazing kaya sulit ang mga sakripisyo namin kapag nagte-taping kami,” pagtapos pa ni Cherie Gil.

Gardo hindi inasahang makapagpapabago ng buhay ang hobby

Hindi napigilang maluha ni Gardo Versoza sa programang MARS nang may basahing isang letter mula sa isang magulang na ang anak ay natulungan ng aktor na maoperahan.

Sa pamamagitan ng Cupcake Bikers ni Gardo, nakapag-raise sila ng funds para sa operasyon ng bata at ngayon ay maayos na ito.

Naging advocacy na raw ni Gardo ito na una ay isang hobby lang.

“It all started as a hobby. Kasi kapag wala akong taping, gusto kong may ginagawa pa rin ako. Kaya nagsama-sama kaming magbabarkada na mahilig mag-biking.

“Hanggang sa may isang kasamahan namin na nagsabi na nangangailangan ng tulong ang isang bata na kilala niya ang magulang. Kaya nagkaroon kami ng fund-raising sa pamamagitan ng isang bike race. Marami ang sumama kaya nakapag-raise kami ng pampaopera ng bata.

“Since then sunud-sunod na iyon. Thankful kami kay Lord na tuwing may hihiling ng tulong sa amin, nagagawa naman naming mabigay sa kanila na hindi kami nahihirapan,” ngiti pa ni Gardo.

Sana raw ay marami pa ang sumapi sa Cupcake Bikers para mas marami pa silang matulungan.

Kasalukuyang nasa fantasy series na Sirkus si Gardo kung saan siya ang gumaganap bilang ang majikero na si Leviticus.

Ellen DeGeneres at Oprah napipisil isama sa Sex and The City movie 3

Dahil nag-backout na si Kim Cattrall sa third installment ng Sex and the City 3 movie, nagbigay ito ng suggestions kung sino ang puwedeng mag-replace sa kanya bilang si Samantha Jones.

Noong mag-guest si Sarah Jessica Parker sa show na Ellen, sinabi nito na gusto nitong si Ellen DeGeneres ang gumanap na Samantha.

“There’s a period of grief, a mourning process, and then perhaps we’ll be able to consider, say for instance, you playing Samantha,” sey ni SJP kay Ellen.

Maganda naman ang reaction ni Kim na si Ellen ang gaganap sa iconic role niya.

“She’d be fabulous!” tweet ni Kim with matching two thumbs up emojis.

Nagpahabol pa si Kim ng kanyang mga gusto niyang gumanap as Samantha bukod kay Ellen. Type niya sina Oprah Winfrey, Tiffany Haddish, at Sofia Vergara.

“I am partial to @TheEllenShow but @Oprah was always my 1st. But then there are the goddess’s @TiffanyHaddish or @SofiaVergara So many fabulous actresses to choose from that will make Samantha their own!”

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with