Nadine maraming sakit?!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 21, 2018 - 12:00am

Nagsalita na sina James Reid at Nadine Lustre hinggil sa issue ng pagkaka-delay ng shooting ng pelikula nilang Never Not Love You na matatandaang ikina-disappoint ng direktor nilang si Antoinette Jadaone.

Ayon kay Nadine, talaga raw nagkasakit siya, dahilan para ma-delay nga ang shooting. She revealed na mayroon siyang scoliosis and inverted cervical curve.

“Nung weekend kasi na ‘yun before that, I started getting sick – fever, headache, and then body pain. And then, later we found out that I have an inverted cervical curve which means my neck, instead of going out, it goes in.

“And then I have scoliosis also which causes the headache, the fever, lahat Tito Boy. Super sakit siya,” paliwanag ni Nadine.

Pero nilinaw din ng aktres na very much okay naman daw sila ni direk Tonette at tuloy na tuloy pa rin ang pelikula.

Nadine at jamesgustong sarilinin ang sagot sa pagli-live in

Ang nakakatuwa, tinanong ulit ni Kuya Boy kung nagli-live in sila na matatandaang naging kontrobersyal last year dahil sa sagot ni Nadine na “Come on, guys, it’s 2017!”

Natawa ang dalawa sa tanong.

“No, I guess Tito Boy, that’s the kind of… ‘yung sagot namin diyan will be just for us na lang. If we are, okay, if we’re not, okay, para sa amin na lang ‘yun,” pahayag ni Nadine na inirespeto naman ni Kuya Boy.

Tom umaasang marami pang mahuhugot kay Jen

Nagsimula nang mag-taping si Jennylyn Mercado para sa bago niyang soap opera sa GMA 7 na The Cure. Nag-first taping day na sila last Friday at excited ang aktres dahil kakaibang Jennylyn naman ang mapapanood dito.

Action-suspense-drama ang The Cure and for this soap, first time na gagawin ni Jen ang Balintawak routine and parkour. At talagang sumailalim pa siya sa training for this. Good thing, sporty naman ang aktres kaya for sure ay kayang-kaya niya ito.

Sa The Cure ay si Tom Rodriguez naman ang makakapareha ng Ultimate Star. Dati na silang nagkasama sa isang Lenten Special at ito ang first team-up nila sa isang teleserye.

Ayon kay Tom sa kanyang panayam sa 24 Oras, sobrang honored siya na makatrabaho si Jen dahil fan daw siya ng Ultimate Star.

“I’m so honored, I’m a big fan of Jen. Grabe, she’s an amazing actress. I can only wish that I could learn even more. Kasi sa Lenten special pa lang marami na akong natutunan. So, sana dito rin marami pa akong mahugot,” pahayag ni Tom.

Mala-Walking Dead and The Flu na tumatalakay sa virus and vaccination ang The Cure kaya napapanahon.

Eere na ngayong Pebrero ang The Cure at ngayon pa lang, sobrang excited na ng mga fans ni Jen gayundin ang solid Mark-Jen fans (marami pa rin sila hanggang ngayon, huh!) dahil ngayon lang ulit magkakasama ang dalawa after Rhodora X in 2014.

Jake hindi naniniwala sa ugali ng mga bida

Parehong kayang gampanan ni Jake Cuenca nang napakahusay ang kontrabida and bida role pero para sa kanya, parang mas malapit sa katotohanan ang kontrabida characters.

Unang-una, ang bida raw ay masyadong mabait at sa tingin niya, sa totoong buhay ay wala namang ganu’n kabait na tao.

“I don’t think that someone is that so much of a martyr and so nice. I do bida role, sa Passion de Amor, ‘di ba, bida ako? I just feel like no one is that nice. I don’t feel that it’s real.

“I like it both though. I like it when the people love me and I like it when people hate me. But in all honesty, when I do contravida role, I feel that it’s more real,” pahayag ni Jake.

Tulad na lang sa role niya sa Ikaw Lang Ang Iibigin bilang Carlos na sobrang sama, ani Jake ay sobrang nag-enjoy daw siya doing the role at sobrang nag-enjoy din siya working with Gerald Anderson, Kim Chiu, and Coleen Garcia.

Ayon pa kay Jake, abangan daw ang finale ng ILAI kung talaga bang sobrang sama ng character niya till the end or magkakaroon ng twist.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with