^

Pang Movies

Marian nang-aakit habang nasa taping sa beach

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian nang-aakit habang nasa taping sa beach
Marian Rivera

Parang walang mister

Feeling inaakit ni Marian Rivera ang Haring Araw sa latest picture niya sa Instagram habang waiting para sa taping ng Super Ma’am sa isang beach sa Bataan. Beach lover si Yan Yan na sa tuwina ay inilalabas ang alindog habang nasa dagat.

Pero ang isa sa co-stars niya sa GMA series na si Ashley Ortega, walang pakialam na nagsuot ng one-piece swimsuit. Natuwa naman si Marian sa post ni Ash dahil halos magkasabay silang nag-post ng picture sa IG.

Samantala, ang young actor na si Buboy Villar, kahit dad bod (daddy boddy) ang dating ng katawan ay walang takot ding naghubad.

Anyway, next week ay magtatapos na ang SM kaya handang-handa na si Marian na makipagbugbugan to the max sa lahat ng puwersa ng kasamaan, huh!

Mother Lily inutang ang wedding dress sa namayapang si Pitoy Moreno

Hinding-hindi makalimutan ni Mother Lily Monteverde ang pagigiging generous at mabait ng yumaong fashion designer na si Pitoy Moreno. Nitong nakaraang araw, namatay si Moreno na gumawa ng gown para sa former presidents natin na sina Cory Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi pa movie producer si Mother nang makilala ito ni Pitoy. Nu’ng kasal siya kay Father Remy taong 1961 nang matikman niya ang kabaitan ng designer.

Ayon kay Mother. “Pitoy made my wedding dress and my whole entourage. Siningil lang niya ako ng P1,500.00 at binayaran ko siya ng post-dated check! Ha! Ha! Ha!” pag-aalala ni Mother bago manood sa premiere night ng Regal movie na Mama’s Girl last Monday sa Cinema 7 ng Trinoma.

“I will never forget Pitoy. We will send flowers and offer prayer for him,” saad pa ni Mother.

Ex-Miss World, volleyball superstar, PBB housemate agawan sa korona ng binibini!

Kumpirmado nang isa sa official candidates this year ng Binibining Pilipinas si Catriona Gray, ang 2016 Miss World-PH winner, pero nabigong masungkit ang korona sa international counterpart ng beauty pageant.

Isa si Catriona sa inilabas na official candidates ng Bb. Pilipinas Charities kasama ang volleyball superstar na si Michele Gumabao, anak ng dating aktor na si Dennis Roldan, at former Pinoy Big Brother housemate, Vicki Rushton na girlfriend ng aktor na si Jason Abalos.

Maalalang bokya nu’ng nakaraang taon ang isinabong ng Bb. Pilipinas sa Miss Universe na si Rachel Peters at Miss International na si Mariel de Leon.

Abangers na lang tayo kung sa mapipiling winners sa gaganapin na Bb. Pilipinas eh mas makikilatis ng mga hurado ang winning candidate na isasabak sa international pageants, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with