Luis at Jessy wini-wish na ikasal na sa New Year
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 27, 2017 - 4:00pm

In fairness, marami ang boto kay Jessy Mendiola para maging legal wife ni Luis Manzano.

Positive ang mga comment sa Christmas day picture nina Luis at Jessy, kasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Ang magpakasal na sila ni Jessy ang wish ng mga faney para kay Luis dahil gusto ng fans na magkaroon na ng apo si Mama Vi.

Walang intriga at tahimik ang relasyon nina Jessy at Luis kahit parehong mga showbiz personality sila kaya naniniwala ang fans na compatible ang dalawa.

James at Nadine ‘di naghiwalay nung pasko

Magkasama na nag-celebrate ng Pasko ang real-life lovers na sina James Reid at Nadine Lustre.

Halos hindi na naghihiwalay ang dalawa dahil bukod sa pelikula na ginagawa nila sa Viva Films, magkakaroon pa sila ng major concert sa Smart Araneta Coliseum sa February 2018.

Excited na ang JaDine fans na mapanood uli na magkasama sina James at Nadine dahil matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang matapos ang teleserye nila sa Kapamilya Network.

Ang Larawan may chance mabalik sa mga sinehan

Ginanap kagabi sa Kia Theatre ang Gabi ng Parangal ng 43rd Metro Manila Film Festival at by now, alam na natin ang mga artista at mga pelikula na nanalo.

Marami ang may bet na mag-win ng best picture ang Ang Larawan na na-pull out sa mga sinehan dahil kakaunti ang mga nanood.

Kapag nanalo na best picture ang Ang Larawan, ibalik pa kaya ito ng theater owners sa kanilang mga sinehan?

Hindi naman malalaman ng madlang-bayan na nabawasan ang mga sinehan ng Ang Larawan kung hindi nanggaling ang balita at kumpirmasyon mula sa mga artista at mga tao na sangkot sa production.

Cry at tulala dahil kay Jinkee…

Cry at tulala ang beauty ko nang malaman ko na natuloy ang dinner ni Jinkee Pacquiao at ng kanyang hinahangaan na Korean actor na si Ji Chang Wook.

Na-feel ko talaga na life is unfair at nag-wish ako na sana, boxer na rin na gaya ni Papa Manny Pacquiao ang naging dyowa ko para nakilala ko nang personal si Jo In-Sung.

Kalurky talaga ang news na nag-dinner sina Jinkee at Ji Chang Wook dahil nagkaroon ito ng military Christmas break.

Busy yata ang guardian angel ko kaya hindi siya nakapag-overtime. Hindi niya nagawan ng paraan na magtagpo kami ni Jo In-Sung.

Feeling ko, magkakaroon ako ng nervous breakdown dahil sa sobrang inggit ko kay Jinkee na type ko na sabunutan pero afraid ako na baka umbagin ako ng kanyang boksingerong asawa.

Hindi bale, hindi pa ako nawawalan ng pag-asa. I’m sure, may sorpresa na naghihintay sa akin mula sa guardian angels ko.

Papa Jesse tumupad sa promise

Maraming salamat kay Papa Jesse Ejercito dahil sa additional Metro Manila Film Festival passes na ipinadala niya sa akin.

May palabra de honor talaga ang kapatid ni Papa Erap dahil tinupad niya ang kanyang promise sa akin nang magkita kami sa Greenhills Chapel noong December 23.

Nang maglambing ako kay Papa Jesse na gibsungan niya ako ng festival passes, hindi ako nagdalawang-salita, nag-yes kaagad siya. Kunin ko lang daw sa opisina niya sa Mandaluyong City at kahapon nga, napasakamay ko na ang much wanted festival passes. Marami ang nanghihingi sa akin ng festival pass na patunay na marami ang tumatangkilik sa 43rd Metro Manila Film Festival.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with