Daniel pinayuhang tantanan ang pagiging copycat ni Robin
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 14, 2017 - 4:00pm

Mas bongga ang orig

Mas magiging ok kung iiwasan ni Daniel Padilla ang pagi­ging  ‘copy-cat’ ng kanyang uncle na si Robin Padilla. Well, especially,  kung paano magsalita at gumalaw si Robin. 

Kapansin-pansin kasi lately, na waring Robin na Robin na siya kung pumorma. 

Daniel obviously has forgotten that, at his age (20 something), he is as big star as his uncle Robin. 

May kasabihang being ‘the original’ is still the best. 

Kathryn at Daniel balak magbukas  ng wellness center

Looking forward sina Kathryn Bernardo and Daniel Padil­la na magsosyo sa isang ne­gos­­yo. Na posibleng may kinalaman sa wellness and beauty. 

May beauty and nail salon na si Kathryn, na pinangalanan niyang KathNails. May ilang branches na rin ito sa ilang kilalang malls. 

Bagama’t isang kapatid niya ay graduate ng Business Adminis­tration ang namamahala ng KathNails, siya pa rin ang CEO nito.

From Daniel, we learned na may special role si Kathryn sa Metro Manila Film Festi­val (MMFF) 2017 entry, Gandarrapid­do!  The Re­venger Squad, na kanyang pi­nag­­bibi­da­han kasama sina Vice Ganda at for­­mer Miss Universe Pia Wurtzbach. 

 Big time na Joshua isusunod na ang pagtatayo ng restaurant

Wala pa raw tiyak na Christmas gift si Joshua Garcia sa kanyang rumored girlfriend na si Julia Barretto. 

Puwede raw bang siya na lang, biro ni Joshua. 

Naging maganda ang katatapos na taon sa mag-sweethearts. Lahat ng tatlong pelikula na kanilang tinampukan, ang Vince & James & Kath, Love You To The Stars and Back and, of course, the still showing Unexpectedly Yours movie, starring, too, Robin Padilla and Sharon Cuneta, ay pawang mga box-office. Lalo na, of course, ang Unexpectedly Yours. 

Somehow, though, natupad na ang pangarap ni Joshua na matapos nang hulugan ang lupa sa Batangas, where, early next year, plano niyang bigyang katuparan ang pangarap ng kanyang ama, na pamahalaan ang isang restaurant na sila ng kanyang pamilya ang may-ari. 

Mahilig at mahusay daw magluto ang papa ni Joshua. 

Well, good luck, Joshua. 

Happy rin si Joshua for and all of his fellow young co-stars sa patuloy na nagte-trending na series, The Good Son. Sila ay sina Jerome Ponce, McCoy de Leon at Nash Aguas. 

Well, because of the series, all four of them can look forward to a happy and masaganang Pasko. 

Yes, happy and abundant Christmas, too, to all our fellow Kapamilya.

 Kapalit ni Malou Santos Direk Olive tinalagang managing  director ng Star Cinema

Confirmed na ang report  na ang top director and writer Olive Lamasan na ang mana­ging director of Star Cinema, consi­dered the number one film firm in the country. 

Ganun pa man, mananatili pa ring consultant ng Star Cinema ang outgoing managing officer na si Malou Santos.

Pamumunuan naman na ni Roxy Liquigan, no­ted public relations officer ng Star Cine­ma, ang Star Music. 

Si Malou pa rin ang nama­mahala ng Star Creatives, na siyang nag-produce ng most watched and admired series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw at La Luna Sangre. 

Mananatili pa rin daw siyang creative head ng Star Cinema. Hopefully ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagdidirek. 

Maaalalang si Direk Olive ang nagdirek ng pelikula noon nina Aga Muhlach at Lea Salonga, ang Sana Maulit Muli.

Huli niyang idinirek ang equally blockbuster movie na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Barcelona: Can’t Help Falling In Love. 

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with