Marian pasabog ang bagong hitsura

Marian Rivera

New look ang pasabog na picture ni Marian Rivera na ipinost niya sa kanyang Instagram account. Umabot tuloy sa almost 150-K likes ang litrato niyang ‘yon na sosyal ang dating, huh!

Lodi (idol), super beautiful, gon­dohhh, perfect, gorgeous, guwapa, etc. ang bumuhos na komento sa kaya na umabot sa mahigit isang libo, huh!

Simple man o hindi ang ayos ni Ma­rian, petmalu (malupit) pa rin ang hitsura niya. Hindi siya mahirap bihisan o lagyan ng make-up dahil kahit ano’ng anggulo ay lutang na lutang ang natural na ganda ng bida ng Super Ma’am, huh!

Caption na lang ni Yan sa pic niyang ‘yon, “Coming soon!”

May nanalo na!

Resto ni Anthony Taberna sa loob ng airport nalusutan ng magnanakaw

Kaloka naman ang ibinalita ng DZRH kahapon na ninakawan ang restaurant ni Anthony Taberna na kilala rin bilang si Ka Tunying sa NAIA Terminal 3, ang Ka Tunying’s Cafe.

Wala pang detalye kung ano ang nawala sa resto ni Antho­ny. Kataka-taka siyempre dahil bago ka makaakyat sa resto eh dadaan ka sa usual security check gaya ng bibiyahe sa ibang bansa.

Bale 3rd branch ng Ka Tunying’s Cafe ang nasa Terminal 3 kung saan isa si Manny Pacquiao sa nag-cut ng ribbon.

Ryza hindi pa feel ang pagiging Barretto

Hindi pa nagpi-feeling member ng Barretto clan si Ryza Cenon dahil sa boyfriend niyang si Cholo Barretto. Pambalanse ng Kapuso actress ang BF na laging nagpapaalala sa kanya kapag bumibitaw sa pagiging Ryza at inaatake ng character niyang si Georgia sa Ika-6 na Utos.

“Wala pa po ‘yon. Ang aga pa po para maisip ko ‘yon. Kasi ‘pag nasa relationship ka at going thirty na rin ako, mas gugustuhin ko nang siya na ‘yung huli. Napag-uusapan namin ‘yung kasal.

“Contrast po kami. Magkaiba lahat. Parang okay lang po. Tahimik po ako. Minsan lang ako magpaka-Georgia. Nadadala ko minsan.

“Sa personal naman po hindi ako nag­mumura. Sa show lang,” saad ni Ryza nang makausap ng press sa taping ng Ika-6 na Utos.

Dahil sa GMA afternoon series, tapos na ‘yung depression days niya. Hindi siya sumuko kaya naman nara­m­daman niyang blessed na siya ngayon.

Ngayong Pasko, muling mamimigay ng pagkain si Ryza sa mga homeless at sa kanyang kaarawan, makakasama niya ang mga batang may kanser at ma­tatanda.

Dahil sa series, naging co-owner siya ng isang resto bar sa BGC na Alegria ang name.

Show comments