Joanna Ampil pang-West End ang ipinakita sa Larawan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 8, 2017 - 4:00pm

Puring-puri ng mga nanood sa press preview ang Ang Larawan, isa sa official entries sa coming 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December 25. Dinaluhan talaga ito ng mga unang gustong makapanood ng musical movie na produced ng Culturtain Musical Productions nina Girlie Rodis, Celeste Legaspi, at Rachel Alejandro.

Simula pa lamang ng musical movie na based sa play na A Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin, hahanga ka na agad na set ng movie in 1941, sa Intramuros. Ang bahay na gi­na­mit daw sa movie ay sa Taal, Batangas, pero kita ang husay ng editing dahil sa labas ng bahay, ang makikita ay ang Intrumuros. Tiyak na marami na

Marami na ang nakakaalam ng story ng Ang Larawan dahil ilang beses na itong napanood sa stage play. Iba’t iba na rin ang gumanap sa role ng magkapatid na Candida at Paula, at ang pagdating sa buhay nila ni Tony Javier na gustong baguhin ang kanilang buhay.

Napakahusay ng direksyon ni Loy Arcenas at mahusay din ang kanyang cast na pinanguna­han ni West End sensation Joanna Ampil as Candida, Rachel Alejandro as Paula, Paulo Avelino as Tony Javier at Sandino Martin as Bitoy.

Iba pang members ng cast ay mga mahuhusay na singers and actors, sina Celeste Legaspi, Dulce, Nanette Inventor, Robert Arevalo, Nonie Buencamino, Menchu Lauchengco-Yulo, Noel Trinidad, Leo Rialp, Bernardo Bernardo, Jaime Fabregas with Aicelle Santos, Cris Villonco, Cara Manglapus, Jojit Lorenzo at Rayver Cruz, portraying the special roles sina Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla. In ca­meo roles din sina Mikee Co­juangco-Jaworski, Ricky Davao, Toma Ca­yab­yag, Martin del Rosario, Ryan Cayab­yab,  at Emmy Cayabyab.

Nang makausap si Rachel before the screening, sinabi niyang answered prayer na nakasama sa final official entries ng MMFF ang kanilang movie at magandang Christmas gift ito para sa kanilang lahat. Medyo mahirap daw dahil first time producers sila kaya double time sila sa pagpu-promote at hiling nila na suportahan sila sa December 25.

Based sa napanood namin, hindi kami magtataka kung hahakot sila ng awards, acting man at technical. Napakaganda ng music ni Maestro Ryan Cayabyab, ang production design, editing, sound, cinematography.              

Maynila target ang millennials

Nakipag-meet si Congressman Lito Atienza sa entertainment press para magpasalamat sa suporta nila sa ipinu-produce nilang longest daytime drama series na Maynila. Nineteen years na silang nagbibigay ng magagandang kuwento ng puno ng aral at good vibes simula noong November 23, 1998.

Hosted by Congressman Lito Atienza at sa pamamahala nina Angela Lei Atienza at Mary Ann Rivera as producers at sa direksyon ni Phil Noble mula sa script ni Abet Raz, mas magaganda ang mga susunod nilang episodes na tiyak na magugustuhan ng kanilang mga millennial viewers tuwing Saturday, 9:40 AM.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with