Elizabeth hindi problema kahit hindi na artista

Tuluy-tuloy pa rin ang taping ni Elizabeth Oropesa ng noontime series sa GMA 7 na Impostora.

Marami pa siyang episode na hindi pa nagagawa at med­yo matatagalan pa raw ang airing ng said series.

E, hindi lamang ito ang kanyang ginagawa sapagkat may mga iba pang project na kinukuha siya. Katatapos lang niyang gumanap bilang ina ni Jennylyn Mercado sa isang episode ng monthly show ni Manny Pacquiao, ang Stories For The Souls. May indie movie rin siya kasama si Gloria Diaz.

Hindi pa niya alam kung tuloy ang isang commercial movie na inalok sa kanya ng isang movie production. Pero so far, so good ang takbo ng career ng magaling na aktres. Masaya raw siya sa takbo ng kanyang career. E, sa panahon ngayon medyo may kahirapan ang buhay. Ang ipinagpapasalamat na lang ni Elizabeth na hindi siya nagpabaya. Hindi niya iniasa ang kanyang future sa pag-aartista. Ginabayan siya ng kanyang ina na hindi nagsasawang paalalahanan siya na habang nag-aartista at kumikita ng malaki, kailangang mag-ipon para raw pagdating ng panahon na hindi na siya artista, mayroon siya dudukutin.

At dumating din sa kanya ang panahon na ‘yung kaunting kaalaman sa panggagamot ay binalikan niya, nagbalik-aral siya ng medisina at hindi naman siya nabigo. Nakaipon na siya at natapos niya ang medisina at nagtayo ng sariling clinic na dun siya matatagpuan bilang si Dra. Elizabeth Freeman.

AiAi biglang naging tisay!

Totoo na kapag in love ang babae, nagre-reflect ito sa panlabas niya.

Pero how much more kung likas na maganda na ang babaeng in love?

Ganyan po si Ms. AiAi delas Alas. The other day kasi ay nakita ko siya sa lobby ng GMA 7.

Ang ganda-ganda niya na tisay na tisay at napaka-flawless. Ibang-iba siya ngayon, saka parang nagtu-twinkle ang eyes at masaya ang mukha.

Alam na natin ang sekteto niya, syempre ang kanyang true love na si Gerald Sibayan na kanyang pakakasalan ngayong December.

Haharap na sila sa dambana at aawitan ng mga anghel. May karapatan si AiAi sa happiness na dumarating sa kanya. Pinagpapala ang mga taong mababait, matulungin, mapagtiis, mapagmahal sa kapwa, hindi maramot at higit sa lahat maka-Diyos.

Good Luck Ms. Ai. Best wishes from Rev. Fr. Dode Arupo, the Parish Priest of Our Lady of the Most Holy Rosary, Golden City Sta. Rosa Laguna. Pray and bless you on the date of your weeding with the lucky man.

Show comments