?Jolo, Jodi, Pampi, at Iwa walang ilangan!

Very positive ang mensahe ng litrato nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria na kuha sa Singapore.

Kasama ng dalawa sa litrato si Pampi Lacson, ang estranged husband ni Jodi at si Iwa Moto, ang girlfriend ng anak ni Senator Ping Lacson.

Makikita rin sa picture si Gabs, ang anak ni Jolo kay Grace Adriano, si Thirdy, ang only son nina Pampi at Jodi at ang lovechild nina Pampi at Iwa.

Wish ko talaga, maayos na ang annulment case nina Jodi at Ping para mapakasalan na ni Jolo ang girlfriend niya. After all, wala nang problema sina Jodi at Pampi dahil may kanya-kanya na silang buhay. Higit sa lahat, friends na ang dalawa.

Kasal na lang ang kulang kina Jodi at Jolo dahil in love na in love sila sa isa’t isa. Kita n’yo naman, kahit nagkahiwalay na sila, nagkabalikan pa rin dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan.

Maikukumpara sa samahan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren ang estado ngayon ng friendship nina Jolo, Jodi, Iwa, at Pampi.

?Song Joong-Ki kasal na sa dream wife

Live na napanood kahapon sa social media ang kasal nina Song Joong-Ki at Song Hye-Kyo dahil sa modern techno­logy.

Jealous ako sa fans na gumawa ng paraan para ma-witness nang personal ang Song-Song wedding.

Lucky girl si Song Hye-Kyo dahil nagta­gumpay siya na mapaibig ang favorite Korean actor ko.

Ang guwapo-guwapo ni Song Joong-Ki sa kanyang suot na formal suit as in bagets na bagets siya. Bakas sa mukha ni Song Joong-Ki ang happiness dahil kasal na sila ng kanyang ideal at dream wife.

Dahil off the market na si Song Joong-Ki, ibabaling ko na talaga kay Jo In-Sung ang 100% ng atensyon ko, huhuhu!

?Salpukan sa takilya

Magkasabay na magbubukas ngayon sa cinemas nationwide ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ng OctoArts Films at The Ghost Bride ng Star Cinema.

Wish ko lang, parehong tangkilikin ng moviegoers ang Spirit of the Glass 2 at ang The Haunted, kahit same genre ang mga nasabing pelikula.

Si Chito Roño ang direktor ng The Ghost Bride at subok na ang talent niya sa paggawa ng horror movies. Love ko si Chito kaya hinihiling ko sa lahat na suportahan natin ang bagong pelikula niya.

Isa si Boss Orly sa mga mabait na movie producer na nakilala ko at love niya ang entertainment press. Hindi naman kalabisan kung maglalambing ako sa manonood na suportahan din nila ang Spirit of the Glass 2: The Haunted.

?Entries ng MMFF makukumpleto na

 Sa November 17 ang announcement ng official entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Malalaman natin sa naturang petsa ang complete line up ng mga pelikula na kasali at manggagaling ang announcement mula sa MMDA.

So far, confirmed na official entries sa MMFF 2017 ang Meant to Beh, ang pelikula nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, Ang Panday ni Coco Martin at ang fantasy action movie nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla na Gandarrapiddo: The Revengers.

Tapos na tapos na ang shooting ng Ang Panday at malapit na rin na makumpleto ang mga eksena ng Meant to Beh. Isa lang ang dahilan kapag missing in action sa Eat Bulaga si Bossing Vic, may shooting siya para sa filmfest entry nila ni Dawn dahil may hinahabol sila na deadline.

Show comments