Manny Pacquiao umamin sa ginawa sa bagets na Hollywood celeb!

Manny Pacquiao

‘Di raw sinasadya, napindot lang

Biglang nagkaroon ng awareness ang ibang Pinoy kahapon sa sinasabing Hollywood celeb at Instagram star na si Arzaylea Rodriguez matapos itong maka-chat ni Sen. Manny Pacquiao.

Umamin ang senador na nag-chat nga siya, nag-hello at tinanong kung saang bansa ito nagmula. Pero pahayag ni Pacman sa mga reporter na nakausap niya, hindi niya sinasadya ang lahat at walang kamali-malisya. Nang buksan niya raw ang kanyang Instagram account nakita niya ang live at napindot niya. Kaya lumabas ang name niya (Manny Pacquiao has joined your live) sa live session ng nasabing not so famous na celeb na na­ging girlfriend daw ng gitarista at bokalista ng sikat na bandang 5 Seconds of Summer. 

Ayun, nag-hello ito at nagsabing “Oh, Manny Pacquaio.” At doon daw siya (Pacman) sumagot ng “hello” and “Where are you from”.

Arzaylea Rodriguez

Katuwiran ng boxing champion, walang malisya ang nangyari at hindi nakasama ang unang message ni Arzaylea sa screen grab sa live session na nag-viral kahapon. “Lahat naman pwede akong kausapin live eh. Wala namang malisya dun,” katwiran pa ng senador.

Pero bago pa man siya nakapag-explain ay pinulutan na ang nasabing messages niya at napagbintangan na ng kung anu-ano.

Anyhow, ang tiyak na nakinabang sa ingay kahapon sa social media ay ang nasabing celeb na wala sa kamalayan ng marami pero pinasikat sa Twitter ng maraming babad sa social media.

Show comments