Makisig Morales masaya na sa pagiging service crew sa Australia

Sa Australia na pala naka-base ang dating Kapamilya child actor na si Makisig Morales.

Sa mga pinost na photos at videos ni Makisig sa kanyang Instagram account, makikita roon na settled na siya at ang kanyang mga kapatid sa Australia at nagtatrabaho na ito bilang service crew sa isang sikat na fastfood chain doon.

Pinili ng 20-year old actor na iwan na ang showbiz at hindi palampasin ang opportunity na makapag-migrate at makapagtrabaho sa ibang bansa.

Pinagpapatuloy din ni Makisig ang kanyang pag-aaral habang isa siyang working student.

Sa naging interview kay Ma­kisig ng ABS-CBN, tahimik at masaya raw ang buhay ng pamilya niya sa Australia.

“Busy po ako sa studying, work, and pag-serve po for the Lord.

“Busy rin po ako sa pagiging big brother sa aking mga younger siblings.”

Inamin din ni Makisig na nami-miss niya ang showbiz, pero wala naman daw siyang regrets na iwan ito pansamantala dahil mas importante raw ang kanyang future at ang makasama ang kanyang pamilya.

Hindi naman daw niya totally iiwan ang showbiz.

“Para secured na po ang future namin ng family ko. But ‘pag mayroon pong show na offer sa akin sa Philippines, I would take that opportunity po,” diin pa niya.

Nakilala si Makisig dahil sa pagbida niya sa teleserye na Super Inggo sa ABS-CBN noong 2006.

Bago maging artista si Makisig, una itong sumali sa Duet Bulilit, isang segment ng noontime show na Magandang Tanghali Bayan noong 2001.

Sunod naman ay nag-audition si Makisig, kasama ang mga kapatid na sina Mayumi at Vincent, para sa singing contest pa rin ng ABS-CBN na Little Big Star.

First runner-up si Makisig at ang naging champion sa Little Division ay si Rhap Salazar.

Sa naturang singing contest din sumali at nag-place third si Charice Pempengco, na Jake Zyrus na ngayon.

Ricky Davao hindi campy ang pagka-bading

Sa primetime teleserye ng GMA-7 na My Korean Jagiya, gaganap si Ricky Davao bilang si Josie Asuncion, ang gay uncle ni Heart Evangelista-Escudero.

“I still find it challenging. Hindi naman kasi iisa lang ang character ng mga gays, eh.

“There’s a variety of characters na puwede mong pag-eksperimentuhan. Hindi na typecast ang gay sa iisang character lang.

“’Yung pagkabading ko naman dito ay hindi naman campy.

“Medyo may pagka-reserve ako dito. Yung malumanay magsalita, pero kapag nae-excite or nagagalit, may pagka-OA naman ang reaction.

“Yung mga naging peg ko sa role ko as Josie is the late Cris Adalia. Si Inay Cris kasi, napakalambing magsalita at babaeng-babae lang ang kilos niya.

“Yung isa pang peg ko si Direk Joel Lamangan. Kapag ang scene ko ay kailangan kong tumalak-talak, si Direk Joel ang ginagaya ko,” sabay tawa pa ni Ricky.

Pag-aagawan daw nila ni Janice de Belen ang iisang lalake dito na gagampanan ni Raymart Santiago.

Gusto naman daw magbakasyon ni Ricky pagkatapos ng My Korean Jagiya. Matagal na raw niyang hindi nakakasama ang mga anak at apo niya.

“Nagkasunod kasi ang trabaho natin. After directing Legally Blind, sumunod agad itong My Korean Jagiya.

 “Gusto ko naman makapag-out of the country with them. Sana after this teleserye, magbakasyon muna ako before I start with a new project to direct,” pagtatapos pa ni Ricky.

 

 

Show comments