Ate Vi bumulaga sa party ng fan na may down syndrome
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 30, 2017 - 4:00pm

May isang kuwentong nakatawag ng aming pansin. Mayroon daw isang fan si Congresswoman Vilma Santos na may down syndrome. Lately, mas malala na ang kanyang sitwasyon dahil hindi na halos siya makakilos dahil sa rayuma. Bale 54 na ang fan na nakilalang si Evangeline, at birthday niya ngayong araw na ito, at gusto lamang niyang makita si Ate Vi na hindi pa niya nakikita nang personal sa buong buhay niya. Hindi naman siya nakakaalis sa kanilang bahay sa Pampanga.

Noong marinig ng fans ni Ate Vi ang sitwasyon, nagpunta sila sa Magalang, Pampanga para hanapin si Evangeline na nakita naman nila. Naisip nila kasi na may isang foundation na itinayo si Ate Vi para sa mga Vilmanians at maaaring makatulong ang foundation kay Evangeline. Hindi siya member ng kanilang fans club, pero hindi bale dahil talagang fan siya ni Ate Vi.

Ang ginawa nila, nag-meeting na sila kung papaano matutulungan si Evangeline on their own, tapos ilalapit nga nila sa foundation din. Nakausap nila si Ate Vi na gusto rin namang tumulong.

At the same time, nakarating din pala kay Jessica Soho ang request ng may sakit na si Evangeline dahil nai-post din iyon ng kanyang kapatid sa social media. Ang naisip nila ay bigyan ng isang birthday party ang tagahanga. Si Jessica at ang GMA 7 ang naghanda ng party. Kasama sa party ang mga Vilmanian na magbibigay kay Evangeline ng kanilang tulong. Bawa’t isa ay may bitbit na regalo.

Noong una ay hindi sila sigurado kung makakarating nga si Ate Vi, dahil alam naman nila kung ano ang trabaho noon. Ang naisip pa nila, ipatawag iyong impersonator ni Ate Vi para magbigay kasiyahan kay Evangeline.

Pero ang talagang matindi ay dumating mismo si Ate Vi doon sa pagtitipong iyon. Actually, hindi nila inaasahan at nagulat nga si Jojo Lim ng Vilmanians nang makatanggap ng tawag mula kay Ate Vi na on the way na siya.

Nang dumating si Ate Vi mas matindi ang kasiyahan. Pero ang pinakamasaya ay si Evangeline, dahil nangyari ang matagal na niyang pinapangarap na makita nang personal si Ate Vi. Nagbigay pa ng personal niyang tulong si Ate Vi, at nangakong ang foundation ay kikilos para sa pagpapagamot ni Evangeline. Katulong din naman si Jessica Soho na nadala rin agad si Evangeline sa isang doctor at tinutulungan na rin ng Kapuso Foundation.

Iyong mga Vilmanians, binigyan siya ng isang DVD Player, at mga DVD ng mga pelikula ni Ate Vi, at recordings din ng TV shows niya noon. Ngayon mapapanood na niya ang lahat ng mga pelikula ni Ate Vi na noon ay hindi naman niya nagawang panoorin sa mga sinehan. Nakikita lang niya si Ate Vi sa TV show niya noong araw, at sa mga picture sa mga magazine na kanyang naipon.

Nang makita si Ate Vi, hindi na humiwalay sa pagkaka­yakap si Evangeline. Sabi nga nila, napakagandang regalo sa kanyang 54th birthday. Suwerte rin niya. Isipin ninyo sa isang kasal nga ng isang kasamahan humingi ng dispensa si Ate Vi na hindi siya nakadalo.

Ayon pa kay Ate Vi, nanghihinayang siya dahil nasa US siya nang mapanalunan niya ang una niyang award this year mula sa Eddys. Iyon naman ang plano niya ay kumbidahin ang lahat ng mga entertainment editors na nagbigay sa kanya ng parangal bilang pasasalamat, at pagkatapos pormal na tanggapin mula sa kanila ang kanyang kauna-unahang Best Actress award sa taong ito, na kauna-unahan din ng Eddys. Sabi nga niya, iyon ang mas nagbigay halaga roon dahil first time.

Pero nakakatuwa na sa kabila ng lahat, may panahon pa rin siya para sa kanyang mga fans, lalo na nga sa mga kapus palad.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with