Regine at Boss Vic

Regine babalikan na ang pelikula!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 27, 2017 - 4:00pm

Excited at inspired si Boss Vic del Rosario sa bagong partnership nila ni Regine Velasquez, ang 30th anniversary concert nito sa October 21 sa Mall of Asia Arena at ang album na may thirty tracks dahil 30 years old na nga ang showbiz career ng Asia’s Songbird.

Naganap kahapon sa Viva Films office ang contract signing nina Boss Vic at Regine.

Obvious na excited si Boss Vic sa partnership nila ni Regine dahil talagang may-I-remember niya ang nakaraan.

Si Boss Vic ang instrumento kaya naging aktres si Regine na hindi pa makapaniwala noong araw na papasa siya na artista. In fairness, blockbuster ang lahat ng mga  pelikula ni Regine sa Viva Films ‘no!

“We’re partners of course. Partner kami ng company nila with Cacai (Mitra), to do the concert,” ang  kuwento ni Boss Vic tungkol sa nakaraan.

“Hopefully, pati mga probinsya, magkakaroon kami ng mga tour. Talagang big celebration for Regine and kasabay n’on ang kanyang much-awaited album na tatlumpo ang kanta. Thirty best songs of Regine na ni-record ng bago, all originals.

“Three discs, available before the concert. Kami sa Viva, siyempre excited. Sobrang tuwa dahil medyo matagal na rin na hindi nagre-recording si Regine. Sa Viva niya gagawin ang kanyang 30th anniversary album, at the same time,’yung concert.

“Nu’ng sinabi sa akin ang cost (ng album at concert), hindi na ako tumawad. Sabi ko, game, game na ‘yan. For the love of Regine. Proud kami dahil Regine is one of the biggest recording artist of all time. So, at least, proud kami na dito, sa Viva lalabas ‘yung kanyang 30th anniversary album. Thirty great songs.

“Ano ito, milestone. Ito ‘yung second milestone after niya manganak. Important milestone.

“Kinukumbinsi ko pa siya ulit na kung puwede, gumawa siya uli ng pelikula. Kung makapili na siya ng project na gusto niya, kung meron siyang time. Siguro after the concert… early next year… a new movie.

“First movie ni Regine, sa Viva rin. ‘Yung Untouchables… One of the most bankable singer si Regine. Alam mo, bihira ‘yung singer na nakakatawid ng pelikula. Isa lang siya doon. Bihira… ayoko nang mag-mention ng hindi nakatawid. Si Regine, nakatawid from a good singer into a good actress.

“Naniniwala talaga ako kay Regine. Kinum­bida niya ako na manood ng Noli Me Tangere (a musical play). Pinadalhan niya ako ng imbitasyon. Ang ganda ng kanyang acting. Sabi ko, puwede ka na palang umarte. Gumawa ka na ng pelikula.

“Actually, na-inspire ako talaga. I really wanted to get a singer who can be an actress because siyempre, nu’ng time na ‘yon, ‘yun ang time na nawala si Sharon (Cuneta) sa Viva,” ang sabi ni Boss Vic na forte ang mag-build up ng mga singer na nagiging mahusay na aktres at buhay na patunay sina Sharon, Regine, Donna Cruz, at Sarah Geronimo.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with