Aktor na galing sa talent search rubbing elbows na sa mga rich and famous!

Kumabit sa isang mayamang bading ang hinala ng ilang press sa wannabe actor na produkto ng isang talent search sa telebisyon. Hindi man siya nanalo ng grand prize, may porma’t malakas ang appeal niya.

Panandaliaan lang ang appearance niya sa telebisyon. Nagulat na lang ang ilang ma­la­pit niyang kaibigan nang bu­mulaga siya sa isang movie na naisali sa international film festival.

And then, hayun at naging jetsetter ang actor wannabe. Mukha na siyang may pera kumpara noong baguhan pa lang sa showbiz. And take note, rubbing elbows na siya sa mga rich and famous sa alta sosyedad, huh!

In all fairness naman sa actor wannabe, nakikila pa niya ang ilang taong unang naging malapit sa kanya kapag nasasalubong siya, huh! At least, naging praktikal ang wannabe artista!

Regal baby na si Devon nakauna na sa Korean actors

Kinabog sina Anne Curtis at Heart Evangelista sa Regal Baby na si De­von Seron

Aba, di pa sure and pagkakaroon ng leading man na Korean actor si Anne sa isang movie habang si Heart naman ay sa bagong GMA series niyang My Korean Jagiya, heto’t nagsu-shooting na si Devon ng movie niyang You With Me sa South Korea.

Kapareha ni Devon ang Korean heartthrobs na sina Hyun Woo at Jin Jun Hyeong. Nakuhanan ng isang @joyceehpatotie ang behind the scenes ng shooting ng Regal Baby.

Para sa kaalaman ng ilan, si Devon ay produkto ng Pinoy Big Brother at unang naka-loveteam ni James Reid. Huli siyang napanood sa blockbuster Regal horror movie na Pwera Usog.

Ken hindi raw bagay kay Barbie

Kinakawawa ng ilang netizens si Ken Chan. Mas kampi kina Jak Roberto at Ivan Dorschner ang viewers ng Meant To Be na nagwakas na kagabi.

Sina Ken, Jak, Addy Raj, at Ivan ang leading men ni Barbie Forteza sa MTB.

Naligwak nu’ng Wednesday episode si Addy. Na-friend zoned naman si Jak last Thursday. Sa puntong ito nagwala ang ilang fans nilang dalawa. Kay Jak kasi mas malakas ang chemistry ni Barbie. Ayaw nila si Ken para kay Barbie kaya after mawala ni Jak, si Ethan na ang gusto nila.

Kaso, may sey ang GMA management sa magi­ging ka-Meant To Be ni Barbie. Eh, agad pang may follow-up movie sina Barbie at Ken kaya marketing strategy din ‘yon, huh!

Hay, ang fans talaga!

Show comments