Migo sakit sa ulo sa bagong show!

Hindi sumama ang loob ng StarStruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer noong biglang mawala ang character niyang si Anthony sa Encantadia.

Sa original story kasi, hanggang sa ending ng telefantasya ay nandoon ang character na Anthony.

Pero in-explain naman kay Migo ni Direk Mark Reyes na maiiba na ang takbo ng kuwento ng Encantadia at ang Anthony character ay hindi na magtatagal.

“Actually, hindi naman ako ‘yung nalungkot when my role as Anthony suddenly disappeared from Encantandia. ‘Yung mga fans ang naging sad kasi pinapanood nila ‘yung show because of my team-up with Mikee Quintos who plays Lira.

“Pero okey lang because Direk Mark explained it to me and there’s no problem with it.

“Ang maganda is that nag-start agad ako mag-taping for My Love From The Star where I play the pasaway na brother ni Jennylyn Mercado.

“Kaya hindi rin ako nawalan ng work kasi may sunod na work na binigay sa akin after Encantadia,” ngiti pa ni Migo.

Natuwa nga raw si Migo dahil nagkaroon siya ng chance na makatrabaho si Jennylyn na isa sa naging judge ng StarStruck 6.

“It’s an honor for me to be working with the very first Ultimate Female Survivor of Starstruck.

“Most of my scenes are with her kasi parati kaming nag-aaway dito sa teleserye. She’s very supportive and now I know why she’s a survivor and the ultimate star ng Kapuso network,” sey pa ni Migo.

Mas maayos na raw ang pagta-Tagalog ni Migo kaya nagawa na niyang mag-record ng kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.

Ipino-promote nga niya ito kapag may mga mall show ang GMA Artist Center at sa May 27 ay front-act siya sa concert ni Alden Richards na Upsurge concert sa KIA Theater.

“Ilang beses ko nang nakasama si Alden sa mga shows niya and he’s such a nice person. Kaya natuwa ako when he wants me to front-act sa concert niya. It will be a big help for me sa promotion ng album ko,” pagtapos pa ni Migo Adecer.

Solenn mas devoted na sa mister

Nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary noong nakaraang May 21 ang mag-asawang Nico Bolzico at Solenn Heussaff-Bolzico.

Sa blog site ni Solenn ay naka-post ang maraming photos nilang magkasama. Ito ang naging pambawi ni Solenn dahil matagal niyang hindi nabigyan ng panahon ang kanyang mister dahil naging sobrang busy siya.

Pero dahil tapos na ang dalawang shows ni Solenn na Encantadia at Full House Tonight, devoted na ang maraming oras niya sa kanyang mister.

Dahil dito ay sobrang thankful si Nico dahil natuto siyang maging patient at mas naging supportive siya sa career ng kanyang misis.

“Normal people for their 1st year wedding anniversary normally go on a date or something like that... but wifezilla wanted to make a music video on a Shakira song!

“As usual the intensity took over ... Happy Anniversary Bebe! #loveherordie #happyanniversaryiguess #intensitywifezilla #wifezillaseries”

Taylor Swift kumuha ng bahay sa London para sa bagong lalaki!

Kaya naman pala ilang buwan na hindi nagpaparamdam ang pop superstar na si Taylor Swift ay dahil busy itong itago ang kanyang bagong lovelife.

Nalaman ng media na in a relationship si Taylor sa 26-year-old British actor na si Joe Alwyn.

Dahil sa naranasan na over-sharing ni Taylor sa kanyang mga past relationships, itong relasyon niya kay Joe ay tinatago niya.

“She wanted to get to know him without any chaos,” ayon pa sa source ng People magazine.

Nakilala raw ni Taylor si Joe dahil sa kaibigan niyang si Emma Stone. May ginagawang pelikula ngayon si Joe with Emma sa U.K. titled The Favourite.

Para mapalapit si Taylor sa kanyang bagong boyfriend, nag-rent ito ng isang bahay sa North London kung saan malapit lang sa shooting set ni Joe.

Marami ang nakapuna na mahilig sa mga matatangkad na British guys si Taylor tulad ng mga ex-boyfriends niyang sina Tom Hiddleston, Calvin Harris at Harry Styles.

Unang lumabas sa pelikulang Billy Lynn’s Long Halftime Walk si Joe at isa na ito sa most promising British actor sa ngayon.

“It’s really nice to have people excited about … me. But it’s hard to get caught up in that. Maybe it’s just my nature. I just want to take things a day at a time,” sey pa ni Joe.

Show comments