Richard and Angel natuloy din sa wakas ang reunion!

Nag-rejoice ang fans ni Richard Gutierrez sa balita na muling gagawa ng pelikula sa Star Cine­ma ang kanilang favorite actor.

Missed na missed na si Richard ng fans at supporters niya kaya panay ang tanong nila kung kailan uli siya  magiging active sa pag-arte.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mga taga-hanga ni Richard dahil sa drama movie na project niya sa Star Cinema. Makakasama ni Richard sa pelikula sina Angel Locsin at Ange­lica Panganiban.

Si Angel ang original loveteam ni Richard noong mga contract  star pa sila ng GMA 7. Certified blockbuster ang mga pelikula na ginawa nila noon.

Kahapon nangyari ang story conference ng comeback movie ni Richard na pamamahalaan ng direktor na si Nuel Naval.

Three years ago pa ang huling pelikula ni Richard, ang Overtime na ipinalabas sa mga sinehan noong July 2, 2014.

Leading lady ni Richard sa action-packed movie ng GMA Films si Lauren Young.

Sa TV naman, ang Ang Panday ng TV5 ang last teleserye ni Richard. Ipinalabas sa Kapatid Network ang Ang Panday mula February 29, 2016 hanggang June 2, 2016.

Kahit hindi active sa showbiz si Richard, nag-focus ito sa kanyang mga negosyo kaya hindi rin siya nawalan ng mga pinagkakaabalahan.

Si Richard ang epitome ng isang tunay na artista dahil tall and handsome siya. Sa tuwing nakikita siya ng mga tao, namamangha pa rin sila dahil artistang-artista ang itsura ni Richard na minana niya sa kanyang tatay na si Eddie Gutierrez.

Noong kapanahunan ni Eddie, ito ang pinakaguwapo sa kanyang heneras­yon kaya talagang hinahabol siya ng mga babae. Hanggang ngayon, taglay pa rin ni Eddie ang kaguwapuhan na kinababaliwan ni Annabelle Rama.

Regal magiging abala sa MMFF

May plano ang Regal Entertainment Inc. na sumali sa Metro Manila Film Festival 2017 at ayon ito kay Mother Lily Monteverde.

Kung tama ang dinig ko, balak ng Regal na isali sa MMFF 2017 ang romance fantasy movie na My Fairy Tail Love Story na tinatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Nagkaroon kahapon ng meeting kahapon sa MMDA ang MMFF Exe­Com at ang mga movie producer.

Bongga ang attendance ng mga producer, isang ebidensya na marami ang type na mag-join sa MMFF 2017 dahil ang December 26 ang pinakamaganda na playdate ng Tagalog movies.

May duda ako na isasali ni Coco Martin sa MMFF 2017 ang Ang Panday dahil may representative sa MMFF meeting ang kanyang film production.

Si Coco ang bida sa remake ng Ang Panday at siya rin ang direktor ng pelikula.

Talagang sinusundan ni Coco ang yapak ni Fer­nando Poe, Jr. kaya ang mga pelikula ng nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino ang mga ginagawa niya. Inumpisahan ni Coco sa teleserye na Ang Probinsyano at susundan nga ito ng Ang Panday.

Show comments