Maymay at Edward nakipaglaro sa mga Aeta

MANILA, Philippines -  Susubukan ni Kim Atienza ang galing ng tambalan ng Pinoy Big Brother (PBB) Lucky Season 7 Teens na sina Maymay Entrata at Edward Barber, o mas kilala bilang Mayward, habang naglalaro sa pinakamalaking ‘inflatable’ playground sa Asya ngayong Linggo (Abril 30), 10 a.m. sa Matanglawin sa ABS-CBN.

Nasa Subic Inflatable Island ngayong Linggo ang premyadong educational program host na magtatanong ng iba’t ibang trivia sa Mayward na tutulungan namang sumagot ng Aeta scholars na sina Beth at Marvin.

Umubra kaya ang kanilang teamwork, galing sa pagbabalanse at pag-swimming?

Kiligin sa #MatanglawinMAYWARDChallenge episode ng Best Educational Program ng 2017 Platinum Stallion Media Awards ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD at sa Martes, 2pm sa DZMM TeleRadyo. Mapapanood din ito online sa iwantv.com.ph atskyondemand.com.ph.

Show comments