Aktres pinagtulungang gatasan ng ex-BF at nanay nito

Maraming kaibigan ang isang female celebrity ang nagtatanong kung binayaran na ba ito ng kanyang ex-boyfriend na umutang ng higit sa isang mil­yong piso.

Isang male starlet ang boylet noon ni female celebrity at dahil nahumaling siya rito, nagpaka-sugar mommy ito at lahat na hilingin ng boyfriend ay binibigay mula sa latest gadgets, bagong rubber shoes, at pera nga.

Ginamit pa raw ni male starlet ang ina nito at nagkuwento ng mga malulungkot na chapter ng pamilya nila kay female celebrity.

Alam kasi ni male starlet na maawain si female celebrity kaya madadala ito sa mga kuwento ng nanay.

Nabanggit ng nanay na matagal na silang umuupa sa isang apartment at nais na nilang bumili ng bahay. Kaso kulang daw ang kinikita ni male starlet dahil marami rin itong gastusin.

May nahanap na raw sila na tama lang sa kanila kaso nagkakahalaga raw ng isang milyong piso. Eh kulang pa raw ang naipon nila para makapag-down payment sila.

Dahil namanipula na ang damdamin ni female celebrity, agad-agad daw nitong inilabas ang kanyang checkbook at binigyan ng isang milyong piso ang nanay ni male starlet.

Pagkaraan ng ilang buwan ay nag-break sina male starlet at female celebrity. May mga bagay daw silang hindi napagkakasunduan.

Pero ilang linggo pa lang pagkatapos ng paghihiwalay nila ay nakarelasyon na ni male starlet ang isang female starlet na mukhang magiging bagong biktima nito.

Kaya ang concerned friends ni female celebrity ay sinabihan na ito na singi­lin ang ex-BF.

Obvious naman daw na ginamit lang si female celebrity ng ex. Hindi raw tama na hindi niya ito singilin dahil mapanlinlang ang male starlet pati na ang pamilya nito.

    

Show comments