Aliwan Festival inulan ng mga guest artist!

MANILA, Philippines - Nagtanghal sina Myrtle Sarrosa, TJ Monterde, JR, Paolo Onesa, Mark Carpio, 6 Cycle Mind, at ang mag-asawang Karylle and Yael Yuzon  sa iba’t-ibang kaganapan sa katatapos na Aliwan Fiesta na ginanap noong April 20-22.

Sina Myrtle at TJ ay umawit sa isang mini concert kasunod ng Tugtog ng Aliwan Rhythm Competition at Reyna ng Aliwan Festival Costume Competition sa Huwebes, habang sina JR at Paolo Onesa naman ang tampok sa pageant night sa Biyernes.  Sina Karylle at Yael ang nagbukas ng awarding ceremonies sa Sabado, samantalang sina Mark at ang bandang 6 Cycle Mind ang nag-perform bilang intermission sa pagitan ng mga awarding segment.

Show comments