Liza Soberano
Lee Min Ho gustong i-partner kay Liza
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - April 23, 2017 - 12:00am

Bumuhos ang suporta ng Filipino fans ni Lee Min Ho sa pagpasok ng Korean actor sa military service na magsisimula ang training sa May 12, 2017 sa Gangnam, South Korea.

Mandatory sa mga South Korean na kalalakihan ang magpalista sa military service kung saan dalawang taon nilang bubunuin ang training.

Ibig sabihin nito, dalawang taong mawawala sa limelight ang Korean actor na kahit ‘di na gaanong sikat sa Korea ay paborito pa  rin ng mga Pinoy.

Kaaliw ang mga hugot lines na pagkalungkot ng fans dahil mami-miss nila ang aktor. Panay ang bilin ng mga ito na mag-ingat ang kanilang bebe, papa, lover, asawa, at kung anu-anong tawag sa iniilusyon at inaangkin nilang superstar na si Lee Min Ho.

May biro pa ang ibang mga fans na susugod sila sa military camp sa Gangnam, South Korea dahil hindi nila kakaya­ning mawala ang sikat ng mga Korean drama sa telebisyon. Mula noon marami na ang nakikiiyak, nakikitawa, at kinikilig sa mga palabas nito na Boys Over Flowers days pa; maging sa City Hunter, The Heirs, at ang Legend of the Blue Sea na ngayon pa lang ay inaabangan na sa Kapamilya Network.

Wish din ng mga fans na sa pagbabalik ni Lee Min Ho sa Pilipinas ay gawan ito ng project ng Kapamilya Network katambal si Liza Soberano.

Pero teka, pumayag naman kaya si Enrique Gil?

LEE MIN HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with