Sa friend pa ni Adam Sandler mansion ni Sharon sa Amerika nabenta ng mahigit P100 million!

Sana lahat ng artista, marunong mag-invest tulad ni Ms. Sharon Cuneta.

Grabe, nabenta lang naman niya ang bahay niya sa California sa kaibigan ng Hollywood actor na si Adam Sandler na si Allen Covert.

Mansion ‘yun ha. Hindi ordinar­yong bahay lang.

Mismong si Ms. Shawie ang nagbalita sa nasabing bilihan ng bahay niya.

Ngayon kasi ang karamihan sa mga artista, mas priority ang mamahaling gamit kesa mag-invest sa mga bahay o kaya ay alahas.

Anyway, super fabulous ang nasabing mansion na may swimming pool at spa pa.

“Oh, the new owner of my house in California is one of Adam Sandler’s friends, Allen Covert. He has appeared in almost all of Adam’s movies. He played (I think he was called:) 10-second Tom in 50 First Dates.

“I love you and miss you, California.

“I hope your new owners are loving you as much as I always will be...” mensahe niya sa FB.

Nabalita noong 2015 sa Fox News na ibinibenta ang nasabing mansion ng $2.2 million na p’ag kinumpute mo sa peso ay P110 million.

Wowww.

Kabilang din sa may mga bahay sa Amerika ang mag-asawang Aga Muhlach and Charlene Gonzales, ang mag-asawang Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos na incidentally ay nagbibiyahe pa-US kasama ang kanilang mga anak.

Show comments