Dennis bumanat sa pagkukumpara kina Heart at Angel

Dinipensahan ni Dennis Trillo si Heart Evangelista nang laitin ng bashers ang huli dahil sa role niya sa Mulawin vs. Ravena bilang si Alwina. Si Angel Locsin kasi ang gumanap sa dating role nang lumipad ang telefantasya 13 years ago sa Kapuso Network.

“Siguro para sa akin, sana maintindihan ng mga tao. Si Angel, mahirap din naman talaga siyang palitan. Siya ang original.

“Sana maisip din nga mga viewer na makapanood kay Heart, sana, bago nila pagsalitaan ng hindi maganda, tingnan muna nila kung ano muna ang puwedeng ma-offer ni Heart.

“Siyempre, mabibigla naman ‘yung mga ibang tao na si Heart ang pinalit kay Angel. Tingnan muna nila bago sila magsalita,” paliwanag ni Dennis  after ng launching niya bilang endorser ng food chain na Chicken Deli.

Huling nagsama sina Dennis at Heart sa Juan Happy Love Story.

“Pero maganda talaga ang istorya ng dating Mulawin. Parang My Husband’s Lover na ayaw mo nang gawan ng kasunod. Pero nang mabasa ko ang kuwento, parang puwede pa. Meron pang ibubuga,” rason ng GMA Drama King.

Bukod kay Heart, nasa cast din sina Lovi Poe at Carla Abellana. May special participation din sina Tom Rodriguez, Ariel Rivera at Regine Velasquez-Alcasid.

Zia puwede sa bagong show ni Marian

Children’s fantasy show ang konsepto ng magiging primetime show ni Marian Rivera. Sa Instagram post ng director ni Rico Gutierrez nalaman ng followers niya na kasama sa cast si Gloria Romero.

Daig Kayo ng Lola Ko ang title ng series ni Yan Yan. Pawang hashtags lang ang inilagay ng director sa kanyang IG account sa naka-post na photo ni Marian.

Sa huling panayam namin kay Marian, gustung-gusto niya ang konsepto ng bagong show dahil pwede itong panoorin ng anak na si Zia. Kung matutuloy, magsusuot siya ng costumes at bata naman ang mga kasangga sa pakikipaglaban sa masasama.

Ang costume ni Super Inday ang huling fantasy character na ginampanan ni Yan Yan.

Britney hindi na raw kayang kumanta ng live

Hindi maitago ang excitement ng ilan nating female stars sa pagdating ng pop icon na si Britney Spears para mag-concert sa bansa sa June 15 sa Mall of Asia Arena.

Ilan sina Lovi Poe, Rochelle Pangilinan at Sarah Lahbati sa mga abanger sa concert ni Britney na maraming pumatok na kanta sa bansa.

Pero hindi pa rin nawala ang trolls sa social media sa pagdating ni Spears. Wag daw mag-expect si Lovi na kakanta ng live si Britney. May nagsabi namang laos na ang foreign singer, huh!

‘Yun nga lang, mas marami pa ring may gusto kesa ayaw kay Britney, huh! Keber ba nila sa trolls eh hindi naman sila ang magbabayad ng tickets, huh!

Show comments