Dyowa ni Ruffa makapal daw ang mukha!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 25, 2017 - 12:00am

Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga matanggap ni Annabelle Rama ang boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal. Ibinuking nga ng Gutierrez matriarch na hindi naman break ang dala­wa tulad ng napapabalita.

“Akala ko nga, wala na. Bumalik na naman,” kwento ni Tita A.

Kelan sila nagkabalikan?

“On and off naman sila. Duma­ting na naman sa Paris nu’ng isang araw, tuwang-tuwa ako na wala, ‘ay salamat’. Sana mahuli sa immigration ang lalaking ‘yan, hindi makapasok dito ‘yan,” sey ni Tita Annabelle.

“Hanggang ngayon, ayoko talaga sa kanya. Nang magkita kami sa convention, hindi ko siya binabati. Ang kapal ng mukha, lalapit pa sa akin, ang dami pa namang tao, akala niya sa rami ng tao, babatiin ko siya.

“Sabi ko, ‘makapal ang mukha ko Ruffa, hindi ako nahihiya. Siya ang napapahiya. Lalapit sa akin, ‘hi, Mrs. Gutierrez’,” kwento pa ni Tita A.

When asked kung bakit nga ba ayaw niya kay Jordan, sagot ni Bisaya, “Wala, masyado siyang too young for Ruffa. I’m sure iiwanan din niya si Ruffa, kukunan ng pera.”

Hahaha!

Anyway, ipinagmamalaki naman ni Tita Annabelle ang bagong networking business ng kanyang unica hija na napakalaki raw ng kinikita.

“Ang dami niyang tao. Hanggang Dubai siya. May tao siya sa Hong Kong, may tao siya sa Singapore, sa Dubai, sa Bangkok, sa Pilipinas. Ngayon, aalis na naman siya papuntang Bangkok kasi may convention,” pagmamalaki ni Bisaya.

Pagdating naman sa isa pa niyang anak na si Richard Gutier­rez na hanggang ngayon ay hindi pa nagbabalik sa pag-arte at marami na nga ang naiinip, ayon kay Tita Annabelle, masyado raw mapili ang kanyang anak at hindi niya ito masisi kung ayaw pang magtrabaho.

Siyempre, kahit siya ang manager, si Chard pa rin ang may final say sa mga proyektong gusto nitong gawin.

Kinumpirma ni Bisaya na may offer ang ABS-CBN 2 kay Chard pero wala pa namang detalye ang alok at wala pa rin naman daw ang anak sa bansa kaya hindi pa niya alam kung ano ang mang­yayari.

LJ awang-awa pero walang magawa para sa pinsang si Mark Anthony

Mabigat para kay LJ Moreno-Alapag na dalawin ang kanyang pinsang si Mark Anthony Fernandez na kasalukuyang nakapiit sa Pampanga dahil naaawa raw siya rito at nadudurog ang kanyang puso.

Dumalaw siya kay Mark before Christmas last year at gustong-gusto na nga raw niyang bumisita ulit.

“Siyempre, nakaka-ano, kasi lagi niyang sinasabi na ‘help me get out’, ganyan, so parang nakaka-break ng heart. Sabi ko nga kay Jimmy (her husband), I wanna visit him again but it’s like, parang ano, parang ang hirap kasi ‘di ba, ‘yun nga, nakakaawa kasi you know, you look so helpless talaga na nandu’n and you can’t do anything naman pero you wanna visit,” sey ni LJ nang makatsikahan namin sa launching ng Colours ng Cignal Cable TV kung saan ay may bago silang show ni Danica Sotto-Pingris na MOmbiz.

Ang Tita Alma Moreno nga raw niya na nanay ni Mark ay kumuha na ng bahay na malapit sa presinto para laging madalaw ang anak.

Wala pa raw siyang alam kung ano na ba ang mangyayari sa kaso ni Mark at ang alam lang niya ay nagkaroon na ito ng hearing recently.

ANNABELLE RAMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with