Ariella kinakampanyang pasalihin sa beauty contest ang matataba!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - March 24, 2017 - 12:00am

Sang-ayon ang former Bb. Pilipinas-Universe at 3rd runner-up sa 2013 Miss Universe Ariella Arida na panahon na para basagin ang nagiging stereotype body ng mga sumasa­ling babae sa taunang Bb. Pilipinas pageant.

Ginawang example pa ni Ariella ang naging representative ng bansang Canada sa Miss Universe na si Seira Bearchell na malaman at hindi payat, pero nagawa pa rin nitong makarampa at pumasok pa sa Top 9.

“I guess it’s time, not only in Miss Universe, but also in Binibining Pilipinas. I think they’ve been doing it naman since then.

“They have this stereotype raw of beauty queens na parang almost perfect — perfect body, perfect face.

“Parang it attributes to all the physical na nakikita nila, but then in reality talaga, basically ‘yong beauty pageant, it promotes self-confidence,” diin pa ni Ariella.

Naniniwala si Ariella na kahit ano pa ang hugis ng katawan mo, kailangan ay ma­ging confident ka at maging inspirasyon ka ng maraming kababaihan.

“Be confident to whoever you are, kung ano pa ‘yong body type mo o body frame mo. Embrace your body kasi that what makes you beautiful,” ngiti pa niya.

Naki-criticize na kasi ang ilang pageants dahil naging basehan nila ng beauty ay ang ang magkaroon ng payat na katawan.

Pero unti-unti na ngang napapalitan ‘yan dahil marami nang mga babae na hindi nahihiyang ipakita ang kanilang curvy and plus-size body para maipaabot sa maraming kababaihan na hindi nila dapat ikahiya ang katawan nila.

Isang magandang ehemplo ay si Ashley Graham na isa sa kilala ngayon na plus-size supermodel. Wala itong takot na irampa ang kanyang bilugang katawan dahil iyon daw ang binigay ng Diyos sa kanya at pinagmamalaki niya ito.

Pagiging kabit ni Ryza suportado ng BF

Wala raw issue sa boyfriend ni Ryza Cenon na si Cholo Barretto ang paglabas niya bilang other woman sa Ika-6 Na Utos.

Naikuwento pa ni Ryza na pinapanood ng kanyang boyfriend ang naturang teleserye at nagbibigay ito ng comment sa kanyang acting.

“Actually si Cholo, nanonood ‘yun eh. Tapos magko-comment ‘yun sa akin, sa acting ko.

“Nakakatuwa kasi very supportive siya. Kung sa ibang boyfriend ‘yun, baka nag-away na kami ng grabe dahil sa role ko bilang kabit,” diin pa ni Ryza.

May respeto raw si Cholo sa trabaho ni Ryza kaya hindi raw ito nakikialam sa mga nagiging desisyon nito sa kanyang career.

Komedyanang si Jenny Slate sinukuan ang relasyon kay Captain America

Naghiwalay na ang Hollywood hunk na si Chris Evans at ang comedienne-girlfriend niyang si Jenny Slate.

Bago naghiwalay ang dalawa, may nagawa pa silang pelikula na ang titulo ay Gifted.

Ayon kay Jenny, wala raw siyang pinagsisisihan sa naging pagsasama nila ni Chris.

“Chris is truly one of the kindest people I’ve ever met, to the point where sometimes I would look at him and it would kind of break my heart.

“He’s really vulnerable, and he’s really straightforward. He’s like primary colors. He has beautiful, big, strong emotions, and he’s just really sure of them.

“It’s just wonderful to be around. His heart is probably golden-colored, if you could paint it.”

Inamin ni Jenny na ang estado ni Chris sa Hollywood ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Hindi raw madali na maging girlfriend ni Captain America.

Dagdag pa niya na mas na-stress daw siya sa relasyon kesa kay Chris.

“Chris is a very, very famous person. For him to go to a restaurant is totally different than for me to go.

“I sit in my window and say ‘Hi’ to people on the street. I have more freedom because I’m not Captain America. I’m mostly a cartoon.

“The stress that I saw him be put under, I’ve never seen that before, and he handled that really gracefully.

“He’s not stressed. I was the person who was stressed,” tawa pa ni Jenny na nakilalang komedyante dahil sa series na Parks & Recreation.

ARIELLA ARIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with