Yassi katulad ni Coco ang hinahanap!

O ayan ha, mismong  si  Yassi Pressman na ang nakikiusap na huwag nang lagyan ng malisya ang magandang chemistry nila ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN. 

Sa dami ba naman kasi ng bashers ni Yassi na nilalait at nilalaglag siya dahil sa selos ng fans na mas boto kay Julia Montes na sinasabing girlfriend daw ni Coco.

Nagkataon lang sabi ni Yassi na maasikaso at professional si Coco kahit sa likod ng kamera. 

Aminado si Yassi sa isang interview na hindi lang naman siya ang pinagsisilbihan ni Coco, kundi lahat ng co-stars nila sa Probinsiyano.

Kung nakikita man daw na nag-uusap sila ni Coco behind the scene ay dahil na rin sa trabaho at komportable na siyang kaharap ang aktor dahil na rin sa kabaitan nito.

Wish ni Yassi na kung sakali, ang gusto niya sa lalaki yung sincere, mabait, at maasikaso tulad ni Coco.

Pero hindi nagmamadali si Yassi dahil mas gusto muna niyang magpokus sa kanyang career. Hindi raw niya sasayangin ang mga pagkakataon na ibinibigay sa kanya sa kasalukuyan.

Samantala, abot-tenga ang ngiti ni Yassi nang minsang nabalita na napipisil siyang maging bagong Darna. Pero humble ang young actress na alam niyang malayong mangyari ito. Pero malaking honor na para kay Yassi na makonsidera siyang maging Darna. 

Show comments