Maxine pinu-push ang kapatid sa Binibini

Hindi raw hahadlangan ni Bb. Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina ang kanyang kapatid na si Ferica Medina kung gusto nitong sumali sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant balang araw.

Susuportahan daw niya ang kanyang kapatid kung nais daw nitong sundan ang yapak niya bilang beauty queen.

Sinasabihan ko siya. Kung gusto niya, I will support her.

“Pero it’s up to her kasi siyempre, alam mo naman ang pageant, and siyempre na-witness din ng sister ko ‘yun. So it’s up to her kung gusto niya,” ngiti pa ni Maxine.

Handa na raw ipasa ni Maxine ang kanyang korona sa susunod na lalaban sa Miss Universe Pageant. Nagbigay din siya ng ilang advices para sa sinumang susuot ng kanyang korona.

Nagpasalamat na rin si Maxine kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at sa buong bansa na sinuportahan siya noong nakaraang Miss Universe Pageant.

Show comments