Tsugihan nina Richard at Dawn 26 years ago, binuhay para sa Millenials!

Don’t look now, Salve A., but very relatable pa rin ang tema ng ngayon ay digitally at restored film na Hihintayin Kita Sa Langit, considering na released ito ng Reyna Films Inc., 26 years ago.

Hindi rin aakalain lalo’t ng mga millennial ang love scenes nina Richards Gomez at Dawn Zulueta, na uso na pala ito noong 80s.

Bale ba, mukha na talagang bago ang pelikula nang ito ay mag-premiere sa SRO (standing room only) audience at the Cine­ma 4 of the Glorietta Cine­ma, Makati.

Present sina Richard at Dawn pati na ang mga artistang gumanap in supporting roles na sina Eric Quizon, Vangie Labalan at Guila Alvarez, na gumanap bilang the young Dawn.

Child actress pa lamang noon si Guila. At sayang lang na ang gumanap bilang batang Richard na si Jomari Ylana, now Parañaque City Councilor, ay no-show.

Hindi rin nakarating sina Michael de Mesa at Jackie Lou Blanco na may prominent roles sa pelikula.

But, of course, present si Direk Carlitos Siguion-Reyna, na siyang namahala ng Hihintayin Kita… kasama niya ang kanyang asawang si Bibeth Orteza, at anak na si Rafa.

In a short talk we had with Direk Carlitos, sinabi niyang pangalawang movie niya bilang director ang Hihintayin... Unang idinirek niya, also for Reyna Films, ang Mister & Misis.

Nasa audience rin sina Raquel Villavicencio, who wrote the story and script, and Romy Vitug, cinematographer. Plus Richard Reynoso, who sung the film’s theme song.

Missed si Tita Midz, who owns Reyna Films, Inc, na kilala rin sa industry as the Kundiman Diva.

Kasamang dumalo ni Richard sa nabanggit na event ang asawang si Lucy Torres, Ormoc City Representative, at ang kanilang 16 year-old daughter na si Julianna.

Dawn was with some friends. And guess what? May ka-date si Eric Q.

Anne sa Mayo na agad ang kasal!

One year exactly na pala ang relas­yon nina Jasmine Curtis-Smith at ng professional sur fer na si Jeff Ortega.

And they remain happy sa isa’t isa. Na-meet na si Jeff ng mother ni Jasmine nang tumungo ito sa Australia, kung saan nakabase ang nanay at ka­patid ni Jasmine.

Sa isang interview, pagkatapos ng presscon ng pelikula niyang Baka Bukas kasama si Louise Delos Reyes, binanggit ni Jasmine na excited siya sa kanyang ate Anne Curtis para sa nalalapit na nitong kasal.

Asked if kinausap na siya ng kanyang ate na gumanap bilang kanyang maid of honor, sagot niya ay hindi pa raw.

Dagdag pa niya na kahit daw hindi siya magka-papel sa wedding entourage ni Anne, she will not take it against her. Ang priority niya raw ay ang matulungan ito sa paghahanda ng kasal.

Samantala, kahit usap-usapan na baka this May na raw gaganapin ang kasa ni Anne kay Erwan Heusaff, hindi raw ito tiyak ni Jasmine. She has yet to talk with Anne, na kararating lang from Japan, since doon nila pinalipas ang Valentine’s, with Erwan’s elder sister, Solenn, and Solenn’s Argentinian husband, Nico Bolzico.

 

Show comments