Maka-Duterte duwag - Jim Paredes

Viral ang komprontasyon na ginawa ng si-nger na si Jim Paredes laban sa Duterte Youth na nagsagawa rin ng rally sa EDSA para sa anibersaryo ng People Power Revolution nu’ng Sabado. Ang haba kaya ng komprontasyon, huh!

Nakuhan ang video ni Jim na sinisita ang pro-Duterte. “Look at me! Look at me! Duwag!” talak ni Jim sa video.

Bukod kasi sa EDSA anniversary, ipinaglalaban din ni Jim ang extrajudicial killings na naganap sa termino ni President Digong.

Hindi naman natinag ang Duterte Youth sa katatalak ni Paredes kahit panay ang Ingles niya. Hanggang sa nagkainitan na ang dalawang kampo, nagpang-abot at pinalayas ang kampi kay PDigong.

Bukod sa rally sa EDSA, nagsama-sama naman ang vigil ng Duterte supporters sa Luneta na inabot hanggang kahapon.

‘Yun nga lang, mas maraming mabagsik na supporters ng Pangulong Digong sa social media kung saan nakatikim ng iba’t ibang panlalait si Paredes.

Mas bongga kung si Mocha Uson ang nakaengkuwentro ni Jim, huh! Naku, one for the books ‘yun! Sorry na lang, nasa Luneta si Uson nu’ng Sabado.

Karibal naloka sa kasikatan ng AlDub sa Baguio

Dumagsa ang AlDub Nation (ADN) sa Panagbenga Festival kahapon sa Baguio City upang masilayan ang mga idolong sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Naloka nga ang isang reporter na obviously ay sa kalaban network ng GMA nang tanungin kung sino ang inaabangan nila sa parade. Pangalan pa lang ni Alden ang binanggit ng tinanong, tumalikod na ang interviewer, huh!

Ang pangyayaring ito ay ipinost ng isang follower nina Alden at Meng sa Twitter.

Kahapon ay live rin sa Baguio ang ilang segments ng Sunday PinaSaya at sina Alden at Maine ang bumungad sa opening ng programa.

Siyempre, bago man lang sa huling tulog kagabi, gustong makita ng ADN sina Alden at Maine bago ang simula ngayon ng primetime series nilang Destined To be Yours after ng Encantadia.

 

 

 

Show comments