Mina-manage daw ng nanay Erich at Daniel naluging negosyo ang pinag-awayan!

Hoy, Salve A., i-consider nga natin ang suspetsa ng isang taga-showbiz din, na malamang ang dahilan ng break-up nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ay may kinalaman sa restaurant na supposedly pinagsosyohan nila? The eatery specialized in Brazilian food na ang namahala nito ay ang mother ni Da­niel, na isang true Brazilian.

Hula muli ng aming source, ‘di raw kaya nalugi ang resturant, since ‘di na nga ito nababalitaan lately?

Matatandaang Erich used to co-owned two restaurants with her former rich boyfriend, allegedly the nephew of mall mogul, Henry Sy, ng famous chain of SM malls.

Well, balitang nang maghiwalay sila, sabay na itinigil na rin daw ni Erich ang sosyo niya sa dalawang restaurant.

In any case, kung ‘di totoo, we will surely entertain a ‘correction’ from either Erich or Daniel.

Okay ba, Salve A?

(Hmmmm. Puwede rin po. Baka nga? – Salve A.)

Anne huling birthday nang single

Birthday today, February 17 ni Anne Curtis, her last birthday bilang single, since confirmed nang ikakasal na sila ng kanyang fiancé na si Erwan Heussaff, younger brother ni Solenn Heussaff and a food blogger and restaurant owner.

Malaking celebration, ‘pag nagkataon ang magaganap sa noontime show ng Kapamilya na It’s Showtime.

Birthday din ni Butch Raquel, former executive ng GMA-7 and former actor-singer Eddie Mesa pati ni Senator Jing­goy Estrada.

Many happy returns of the day to all four of them.

(Maligayang kaarawan sa inyong lahat. – Salve. A.)

Sharon mas lalong pumayat, pinaghahandaan pa rin si Gabby

Kasama kami nina Chit Ramos at Len Llanes sa mga dumalo para sa misa ng last night wake for Quezon City Mayor Herbert Bautista’s late Dad, former actor-politician Herminio ‘Butch’ Bautista, sa Loyola Memorial Chapel, Commonwealth Avenue, Quezon City. Butch, as we all know, died at 82.

Nakapuwesto kami in front ng kinauupuan mismo nina Mayor Herbert and former Vice President Jojo Binay. Katabi namin si direk Armand Reyes, na siyang uma-assist kay Gil Portes, direktor ng still showing na movie, Moonlight Over Baler na pinagbibidahan nina Elizabeth Oropesa, Sophie Albert, Ellen Adarna, at Vin Abrenica.

Magkasamang dumating sina Sharon Cuneta at asawang si Senator Kiko Pangi­linan. Pumayat pang lalo si Sharon. Mega, bagay ha.

In a short talk we had with her, binanggit niyang enjoy siya sa programang Your Face Sounds Familiar, where, together with Ogie Alcasid at Gary Valenciano, tumayo siyang isa sa mga judge.

Natanong kung kailan siya magsisimula sa kanyang pelikula under Star Cinema.

‘Di ba si Gabby Concepcion ang ma­kaka-reunite niya sa pelikula, if ever?

Gabby, of course, ang ama ng panganay ni Sharon na si KC Concepcion.

Katabi naman ni Reily Santiago, business Unit head ng parehong popular program sa ABS-CBN, na It’s Showtime at Minute To Win It, ­si Nanete Inventor, na lalong kilala bilang Donya Bu­ding.

Reily o Junjun naman sa kanyang mga kasamahan sa ABS-CBN, ay ang younger brother nina Randy at Rowell Santiago.

The three brothers’ Dad, of course, is the late director Pablo Santiago. Mother nila and aktres na si Cielito Legaspi na kasama na rin ng kanilang ama sa langit.

Of direk Pablo, he directed the Lo Waist Gang, ang first movie nina Fernando Poe, Jr., Tony Cruz, Boy Sta. Romana, Zaldy Zshornack at Butch Bautista.

Sa pagyao ni Butch tanging si Tony na lang, kung tama ang aming hula, ang buhay pa sa grupo.

 

Show comments