^

Pang Movies

Birthday ni Kris nasabayan ng pagluluksa ni mayor Herbert

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Magkahiwalay ngayong Valentine’s Day sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Ngayon ang araw ng kaarawan ni Kris at nitong nakaraang mga araw, kumalat ang tsismis na magsasama sila ni Mayor HB sa isang bakasyon.

Sa totoo lang, ilang araw ngang humi­ngi ng leave sa Quezon City si Mayor Bistek para sa bakasyong itinakda.

Eh, isang malaking trahedya ang nangyari sa pamilya ni Mayor nitong Linggo. Namatay ang father niyang si Butch Bautista, ang tinaguriang “Scarf” ng showbiz.

Dating artista, director, at konsehal si Tito Butch. Lagi lang siyang nasa likod ng career ng anak.

So pass muna sa kanyang personal life si Mayor HB. Siya ang panganay sa kapatid niyang sina Hero at Harlene kaya hindi siya dapat mawala sa wake ng ama.

Kasalukuyang nakaburol sa Loyola Commonwealth ang labi ni Tito Butch.

Nakikiramay kami sa mga naulila niya, Mayor Bistek, Hero, Harlene at mga apo niya.

Sa panig ni Kris, ang mga anak ang kasama niyang bumiyahe ngayong umaga para makasama sa birthday niya.

Mikael napi-pipi ‘pag tinatanong ang ‘madilim’ na karanasan!

Waley na rin dating ang ginawang pag-amin ni Mikael Daez sa relasyon nila ni Megan Young sa presscon ng kinabibilangang GMA afternoon series na Legally Blind.

Look, ilang beses na silang bumiyahe na magkasama sa ibang bansa. Laman sila ng videos na ginagawa nila sa biyahe, etc. etc. May kailangan pa bang aminin?

Eh si Mikael, sa tuwing interbyu sa kanya, la­ging may bagong dalang sinasabi. Mula sa pagiging tahimik nu’ng unang salta sa showbiz, iba na ngayon ang kadaldalan niya.

‘Yun nga lang, may isang insidente siyang hindi pa rin niya inaamin dahil nagagawa niyang ilihis ang topic ‘pag sinusundot ang tanong tungkol sa nakaraan niyang ‘yon, huh!

DongYan ipinangbala sa sikat na TVC, brand ng mantika lumalaban din!

Ipinambala sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng bagong TV commercial ng fast food chain na ine­endorso ng mag-asawa.

Nang lumabas ang TVC ng kalabang fast food chain nina Dong at Yan Yan, naging viral ito at pinag-uusapan lalo na’t nataong ito ilang days bago ang Araw ng mga Puso. Siyempre, umiral ang kumpetisyon ng dalawang fast food chains, huh!

Kyut naman ang dating ng TVC nina Marian at Dong. Natural na natural ang dating nila bilang mag-asawa.

‘Yun nga lang, kung naging tampok sa social media ang iba’t ibang TVCs na may hugot at touching ang mensahe, kabog silang lahat nang lumabas ang commercial ng brand ng isang cooking oil, huh!

Tungkol din ito sa isang relasyon, pero relasyon ‘yon ng dalawang lalaki, huh! Hinangaan nga ang tapang ng ad agency dahil sa konsepto ng commercial na ‘yon ng dalawang lalaking nagmamahalan, huh!

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA AT KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with