Pacquiao at Marquez
Nagmamaldito Mexican boxer nanghihingi ng $100 million bago lumaban kay Pacman
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 29, 2017 - 12:00am

Hindi na maabot si Juan Manuel Marquez na nag-dialogue na hindi na siya interesado na lumaban ng boxing kay Senator Manny Pac­quiao kung US 60 million dollars ang budget.

Nagmamaldito ang Mexican boxer na may pralala na pupunta lamang siya sa Pilipinas at lalaban ng boxing sa Pambansang Kamao kung US 100 million dollars ang budget. Nabubuhay yata sa nakaraan si Marquez kaya mataas at overac­ting ang budget na hinihingi niya. May dapat mag-remind kay Marquez na has been na ito at pinapanood lang ang mga laban niya kapag si Papa Manny ang kanyang kabakbakan sa boxing ring.

Mga kandidata ng Miss U napabilib sa kanilang security

Hanggang bukas na lang ang pananatili sa Pi­lipinas ng mga kandidata ng 65th Miss Universe dahil babalik na sila sa kanilang mga bansa sa Martes.

Kung may mga contestant na type na i-extend ang pagbabakasyon nila, bahala na sila sa kanilang mga gastos.

May mga kandidata na isinama sa Pilipinas ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan para sa emotional at moral support.

Hangang-hanga ang pamilya ng mga kandidata sa security na ibinigay sa kanila.

Safe na safe raw ang mga contestant dahil apat ang mga bantay nila kaya hindi sila nag-aalala na baka may untoward incident na mangyari. Convinced na convinced sila na it’s really more fun in the Philippines.

‘It’s More Fun’ papalitan ng DOT

May plano ang Department of Tourism na palitan ang slogan na It’s More Fun in the Philippines.

Ang Tourism Promotions Board Chief Operating Officer na si Cesar Montano ang nagsabi tungkol sa balak na pagkakaroon ng bagong slogan ang Department of Tourism.

Agree ako na palitan ang old slogan dahil masyado itong identified sa Aquino administration.

Actually, pabor din ako na ibalik sa dati ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport, ang Manila International Airport.

Miss USA bet manalo si Maxine

Nakakatuwa si Miss USA Olivia Jordan dahil bet niya na manalo sa 65th Miss Universe si Maxine Medina ng Pilipinas.

Kilalang-kilala ni Olivia si Maxine dahil judge siya noon sa Bb. Pilipinas 2016 at kabilang siya sa mga pumili kay Maxine para sa Miss Universe Philippines title.

Love na love ni Olivia ang Pilipinas at ang mga Pilipino dahil nakatikim siya ng ipinagmamalaki natin na Filipino hospitality.

Matagal na nagsama sina Olivia at Pia Wurtzbach sa official residence ng Miss Universe sa New York kaya pamilyar ang dating Miss USA sa ugali at kultura ng lahi natin.

May balita na type ni Olivia na magkaroon ng showbiz career sa Pilipinas kaya may plano siya na bumalik sa ating bansa, for the third time.

JUAN MANUEL MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with